Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin... | Bandera

Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Ervin Santiago |January 27,2022
facebook
share this

Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 08:46 AM

Boy Abunda, Leni Robredo at Rita Avila

DISMAYADO ang veteran actress na si Rita Avila pati na ang ilang netizens sa ginawang one-on-one interview ni Boy Abunda kay Vice-President Leni Robredo.

Hindi aprubado kay Rita Avila ang naging istilo ng premyadong TV host sa pagtatanong sa  presidential aspirant ng ilang mahahalagang issue sa Pilipinas.

Isa lamang si Rita sa mga kilalang celebrities na nangakong boboto kay VP Leni. Marami pang Kapamilya stars ang hayagang nangako ng suporta sa kanya.

Feeling ng aktres, pinuputol daw lagi ni Boy ang bise-presidente kapag sumasagot na sa kanyang mga tanong. At hindi lang daw siya ang nakaramdam ng ganito habang ipinalalabas ang panayam.

Naglabas pa nga siya ng mga “resibo” o ebidensya para patunayang marami ang nadismaya at nabwisit sa tila hindi patas na interview ng veteran TV host kay VP Leni.

At sa dami nga ng tumutok at nakapanood ng nasabing presidential interview ay nakasama si Boy sa top trending topic sa Twitter kagabi, Jan. 26.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


Bago si Robredo, nauna nang naka-one-on-one ni Boy ang dalawa pang presidential candidates para sa 2022 national elections —  sina Sen. Panfilo Lacson (noong Jan. 24) at Ferdinand Marcos, Jr. (noong Jan. 25). 

Kagabi (Jan. 26) nga umere ang kay VP Leni, bukas (Jan. 27) naman sasalang si Manila Mayor Isko Moreno at sa Jan. 28 si Sen. Manny Pacquiao.

Base sa napanood namin, may mga pagkakataon ngang hindi natatapos ni VP Leni ang kanyang sagot at pagpapaliwanag dahil sa mga interruption at follow-up questions ni Boy at ito ang kinukuwestiyon ni Rita at ng ilan pang supporters ng bise-presidente.

Narito ang ibinahaging komento ng aktres sa kanyang Instagram at Facebook: “Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni.

“You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying,” sabi pa ng aktres kasabay ng pagkukumpara sa napanood niyang panayam kina Marcos at Lacson.

“Mas respectful and decent ka kala Sen Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this,” himutok pa ni Rita Avila.

Ipinost pa ni Rita ang screenshot ng mga comments ng netizens na nagpahiwatig ng kaparehong sentimyento na ibinahagi niya sa madlang pipol.

Hirit pa niya kay Boy, “WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound.

“Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo,” diin pa niya.

Samantala, iba-iba naman ang naging comments ng netizens sa  Twitter pagkatapos ipalabas ang panayam at karamihan nga rito ay nangnenega kay Boy Abunda.

Halos kapareho rin ng sinabi ni Rita ang kanilang mga komento, ramdam daw nila na tila may kinikilingan ang TV host. Pero may ilan namang nagtanggol pa rin kay Boy na nagsabing wala silang nakikitang foul o offensive sa nasabing interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at depensa ni Boy Abunda sa mga naging pahayag ni Rita at ng mga netizens.

Rita, Pinky disappointed kay Yorme; nagpasalamat dahil nagpakita agad ng tunay na kulay

Boy Abunda tatakbo nga bang senador sa Eleksyon 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending