Leni Robredo na-conscious kay Piolo, sey ng netizens: May pila po madam! | Bandera

Leni Robredo na-conscious kay Piolo, sey ng netizens: May pila po madam!

Therese Arceo - April 20, 2022 - 11:58 PM

Leni Robredo na-conscious kay Piolo, sey ng netizens: May pila po madam!

MASKI ang bise presidenteng si Leni Robredo ay nabighani rin sa gandang lalaki ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Habang siya ay nagsasagawa ng Facebook live ay sinabihan siya ng isa sa kanyang staff na nanonood sa kanya ang aktor na agad ikina-conscious ng ina nina Aika, Tricia, at Jillian.

“Oh my God, si Piolo Pascual nanonood? Bigla akong na-conscious,” hindi makapaniwalang saad ni VP Leni.

Ginamit na rin ng bise presidente ang pagkakataon na pasalamatan ang aktor sa pag-endorso nito sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo ngayong darating na halalan.

“Hi Piolo kung nanonood ka. Na-conscious ako. Thank you very much for the support. Siguro nakarating na sa ‘yo na even before that I’m such a huge huge fan so ‘yung pag-declare mo ng support, it really meant the world so maraming salamat,” pagpapatuloy ni VP Leni.

Ni-repost naman ng Kapamilya actor ang video sa kanyang Twitter account na may caption na heart emoji.

 

 

Hindi naman maiwasan ng mga netizens ang mag-react sa video clip ng mensahe ni VP Leni kay Piolo.

“Wala pong VP VP dito, may pila po madam!” pabirong comment ng netizen.

Samantala, may netizen naman na nagsabing si Piolo ang pumila kay VP Leni.

“Papa P, pumila ka. May pila kay VP Leni. Tagal ko nang nakapila di man lang ako makalapit sa unahan tapos ikaw???? Walang artista rito Papa P eme,” hirit ng netizen.

Sey naman ng isa, “Kahit sa pagsasabing fan siya ni Piolo, alam mong totoo kasi may resibo.”

Matatandaang noong April 11 ay pormal nang inendorso ni Papa P si VP Leni bilang kanyang presidential bet para sa darating na May 9 elections.

“Ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat.

“Ang totoong pagkaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan.

“Sure ako, totoo at malalim ang unity ng mga Pilipino kung tapat, mahusay, at mabuti ang namumuno.

“Hindi ito yung pagkakaisa ng political dynasty para sa sarili nilang interes.

“Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan—Pilipino para sa kapwa Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iisa lang ang taong nagpakita at nagparamdam niyan sa atin sa loob ng maraming taon,” pag-endorso ni Piolo kay VP Leni.

Related Chika:
Piolo, Regine ibinandera na ang tunay na ‘kulay’: Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan, Filipino para sa kapwa Filipino

Pauleen hindi gumamit ng impluwensiya, tiniis ang pila para makapagparehistro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending