Pauleen hindi gumamit ng impluwensiya, tiniis ang pila para makapagparehistro
NGAYONG nalalapit na ang pagtatapos ng voter registration, marami sa madlang pipol ang humahabol na makapagparehistro para makaboto sa darating na halalan sa Mayo 2022.
Kabilang na nga rito ang Kapuso TV host-actress na si Pauleen Luna.
Ibinahagi naman nito ang kaniyang naging registration journey sa pamamagitan ng kaniyang IG stories.
“I arrived at 7:10AM and now it’s 9:23AM. I’m happy to be able to sit down,” saad ng asawa ni Bossing.
Nagulat pa nga ito nang makitang mas maikli ang pila ng mga walk-in kaysa sa mga may mga schedule.
“I didn’t get a time slot through the website, though I filled up the form and printed it our. I’m here for walk-in. Surprisingly, the line for the walk-in people is shorter,” dagdag pa nito.
Ang mga sumunod na posts nito ay nasa loob na siya ng mall at isang nakaupo habang may hawak na brown envelope malapit sa COMELEC screening center.
“Stage 2 na! LOL, kidding aside, I’m inside the mall na! Happily comfortable in my chair with AC. Everything is smooth naman. I’m happy. Patience lang talaga, but all good! Hello sabi ng baby hair,” kuwento ng aktres.
Sa sumunod na photo ay tapos na si Pauline sa pagpaparehistro at isa na siyang ganap na botante.
“So basically, it took me 5 hours before I could finally register. Honestly, it’s worth it. Aside from the line outside of the mall which took about an hour and a half to two, we were comfortably inside the mall waiting.
“As long as you observe social distancing and you keep your mask and face shield on the entire time, you will feel and be safe.
“There’s still time. Register now,” pagbabahagi ni Pauleen.
Infairness naman kay Pauleen, hindi niya ginamit ang kaniyang impluwensya knowing na kapatid ng asawa niya ay isang senador.
9 days na lang bago magsara ang voter registration. Nakarehistro ka na ba? Kung hindi pa, pumunta na sa pinakamalapit na COMELEC office sa inyong lugar at magparehistro.
Tandaan, karapatan mo ang pagboto at responsibilidad mo ang magluklok ng mga taong maglilingkod sa ‘yo at sa sambayanang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.