Janno Gibbs may alay na tula para kay VP Leni; Rita Avila na-stress sa bilangan ng boto
LUMIKHA ng isang tula ang comedian-TV host na si Janno Gibbs para sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Habang ginaganap ang bilangan para sa May 9, 2022 elections kung saan nangunguna pa rin si former Sen. Bongbong Marcos, nagbahagi ng mensahe si Janno para sa pumapangalawa sa laban na si VP Leni.
Sa pamamagitan ng kanyang social media account, isang animo’y tula ang inialay ni Janno kay VP Leni na may titulong “Sapat na.”
“Sino man ang hiranging wagi sa halalan
“Taas noo at hanga, sa nasaksihan
“Isang bayang namulat, walang takot nanindigan
“Sa ngalan ng malayang kinabukasan
“Sapat nang maitala sa aklat ng tadhana
“Na minsan’y pinaglaban
“At pumanig sa tama.”
View this post on Instagram
Sa comments section ng post ng veteran comedian, nag-iwan ng mensahe ang kaibigan niyang si Ogie Alcasid na isa ring Kakampink. Anito, “Mismo pare mismo.”
Nabasa rin namin ang IG post ng beteranang aktres na si Rita Avila na isa ring solid supporter ni VP Leni at aminado nga siya na inatake siya ng stress nang malaman ang paunang resulta ng bilangan.
Sabi ni Rita, “SO LAHAT TAYO STRESSED ATM DAHIL SA MAGIGING RESULTA. TRUST IN THE LORD, OUR GOD.
“Ibibigay NIYA ang kailangan natin. Either a spank on the butt or a pat on our heads.
“Manalo o matalo, sa huli ay sarili pa din natin ang dala natin. Naging masama ka o mabuti pagkatapos ng kampanya at eleksyon? Maraming leksyon ang ituturo sa atin,” pahayag ng aktres.
Saludo rin daw siya sa ipinakitang katatagan at katapangan ni VP Leni sa kabuuan ng campaign period. Naipamalas din daw ng bise presidente ang kanyang pagiging tunay na leader.
Samantala, ilang young stars naman sa mundo ng showbiz ang nagpahayag ng pagkadismaya sa resulta ng partial tally ng mga boto.
Kabilang na riyan ang Kapuso young actor at TV host na si Mavy Legaspi na nagdarasal ng pagkakaisa ng sambayanang Filipino. Aniya, bahala na raw ang Diyos sa kinabukasan ng Pilipinas.
Ilan pa sa mga kabataang artista na na-shookt sa resulta ng 2022 elections ay sina Andrea Brillantes, Sharlene San Pedro at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/313028/bongbong-sara-nangunguna-sa-bilangan-robin-no-1-sa-labanan-ng-mga-senador
https://bandera.inquirer.net/310835/janno-rumesbak-sa-nagsabing-kapit-siya-kay-leni-robredo-para-sa-kapamilya-franchise-banned-po-ako-sa-abs-cbn
https://bandera.inquirer.net/290661/sanaall-dingdong-may-sweet-na-tula-para-kay-marian-rivera
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.