Rita Avila nag-reach out kay Boy Abunda ‘out of decency’, nangakong irerespeto ang isa’t isa
Boy Abunda at Rita Avila
NANGAKO sina Rita Avila at Boy Abunda na irerespeto nila ang isa’t isa kahit na magkaiba ang kanilang paniniwala sa mga isyu at problema ng lipunan.
Nagkausap na ang dalawa matapos ihayag sa publiko ng veteran actress ang pagkadismaya sa ginawang interview ni Kuya Boy kay Vice-President Leni Robredo.
Hindi kasi nagustuhan ni Rita ang istulo at paraan ng pagtatanong ng premyadong TV host sa kanyang one-on-one interview kay VP Leni nitong nagdaang Miyerkules, Jan. 26.
Marami ang nakapansin sa “constant interruptions and follow-up questions” ni Kuya Boy kay Robredo kaya hindi raw nito naipaliliwanag nang buo ang kanyang punto. May time limit kasi ang pagsagot ng presidential aspirant.
Ayon kay Rita, nagkapaliwanagan na sila ni Boy matapos siyang mag-text sa TV host at tinawagan maman daw siya nito kaya nakapag-usap sila nang masinsinan.
“Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world,” aniya sa kanyang Facebook post.
At irerespeto rin daw nila ng Kapamilya TV host ang isa’t isa kahit magkaiba sila ng mga bagay na pinaninindigan, “For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often.
“We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues,” sabi pa ng aktres.
Samantala, sa kanyang Instagram Story, nabanggit ni Rita na pinupuri ni Kuya Boy si VP Leni, “Boy had good words for VP Leni when he called me up; am sharing this para medyo mapawi naman ang mga puso nating nasaktan.”
Sa isa pa niyang Facebook post, sinabi ni Rita na walang nakikitang masama ang kaibigan niyang TV host sa mga naging pahayag niya tungkol sa nasabing interview kay Robredo.
“Boy didn’t see anything wrong with my public opinion, you are free to think of what you want but what matters to me is Boy.
“I felt free to voice out in public because I have my own honest opinion about something I have witnessed. D lang ako ang nakakita at nakaramdam.
“I felt free to voice out because I know Boy will accept my honesty. I felt free to voice out because it was also the voice of many,” pahayag pa ng aktres.
Kasabay nito ang pagkumpirma niya na si Kuya Boy pa mismo ang nagsabi na ipaalam sa madlang pipol ang pag-uusap nila, “Kaya nga sabi sa akin ni Boy, ‘Tell them that I called u up after reading your text message so they could see how proper & respectful two open minded friends can be.’
Thanks to all who saw the good lesson.”
Samantala, may netizen naman na nagtanong kay Rita ng, “But was his explanation acceptable enough for you, Ms. Rita Avila?”
Tugon ng aktres, “We both listened to each other. That is how far I can go (wink emoji).”
https://bandera.inquirer.net/304113/rita-avila-dismayado-sa-interview-ni-boy-abunda-kay-vp-leni-parang-ayaw-mo-nang-pasagutin
https://bandera.inquirer.net/304144/rita-avila-dumepensa-sa-pagiging-bold-star-noon-halinghing-lang-walang-pakita-ng-boobs-at-peps
https://bandera.inquirer.net/283013/sharon-inaming-magkaiba-ang-ugali-nila-ni-kc-pero-mabait-siyang-anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.