Rita Avila nilinaw na hindi nagpapatama sa mga anak ni Jaclyn Jose
PINABULAANAN ng aktres na si Rita Avila ang mga paratang ng netizens na pinapatamaan niya ang mga anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang post.
Nag-post kasi ang aktres sa kanyang Instagram page kung saan ibinahagi niya ang pag-aalala sa kanya ng anak-anakan na si Kate Cruz sa kanya nang pumanaw so Jaclyn.
Ani Rita, wala siyang balak ipakahulugan sa kanyang naging post.
May ilan kasing mga netizens na tila minasama ang kanyang post at sinabing tila pinasasaringan niya ang mga naiwanang anak ni Jaclyn na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck.
Baka Bet Mo: Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner
View this post on Instagram
May ilang netizens na minasama ang kanyang post. Na tila ang dating ay pinasasaringan niya ang mga anak ni Jaclyn dahil wala ang mga ito nang pumanaw ang kanilang ina.
“Malinaw naman na ako ay nagpapasalamat dito sa post ko. At sinasabi kong trophies ko sina Jaclyn at Kate for being true. Wishful thinking for a friend na sana may kasama sha kasi alam ko mas sasaya sana [siya], pagpapaliwanag ni Rita.
Pagpapatuloy pa niya, “[According] to her interviews, sad at lonely [siya]. WALANG PATAMA SA MGA ANAK NYA DAHIL ALAM KO NAMAN ANG BUHAY NILA. Wala pong koneksyon sa kanila ang post ko.
Ani Rita, ang mga klase ng tao na malisyosa, walang alam at mahilig makialam lng ang mag-iisip ng masama sa kanyang post.
“Sabagay, pag maraming mabuti, may sisingit na masama. Pag maraming malinis, may sisingit na dumi.
“Pag marami ang nasa liwanag, may sisingit na dilim. SALAMAT DAHIL MAS MARAMI ANG NASA LIWANAG,” sey pa ni Rita.
Bukod pa rito, sinabi niyang naka-block na sa kanya ang dalawang nega.
“Blocked na po ung dalawang di nakaunawa sa post ko kasi sumagot pa rin ng d maganda sa maayos kong reply. I dont need people in the dark.
“To those in the light, pls stay. The world that is getting darker and darker needs u!!!” giit pa ni Rita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.