Ina Feleo nagbigay pugay kay Jaclyn Jose: Walang kaere-ere
MULING binalikan ng mahusay na aktres na si Ina Feleo ang pagkakataong nagkatrabaho sila ng yumaong si Jaclyn Jose.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawang kuha sa burol ng award-winning actress pati na rin ang sulat na ibinigay sa kanya.
Pinuro ni Ina si Jaclyn at tinawag na “The Cannes Best Actress na walang ka ere-ere”.
Matatandaang nagkasama ang dalawa sa Kapuso drama series na “The Better Woman” kung saan bagamat saglit lang silang nagkatrabaho ay naging close sila. ”The Cannes Best Actress na walang ka ere-ere and was so so real. Worked with tita Jane briefly in The Better Woman but a lot of lunch breaks and tenga were spent talking and eating,” pagbabahagi ni Ina.
Aniya, na-starstruck daw siya noong una kay Jaclyn ngunit agad na nawala ito dahil sa pagiging humble ng aktres.
Baka Bet Mo: Ina Feleo kailangang mag-ingat sa pagwo-workout, na-diagnose ng ‘disc bulge’
Bandera IG
“I was starstruck in the beginning to be in her presence but that quickly melted away because she was so humble and not pa-humble. She legit didn’t think she should be treated any differently,” kuwento pa ni Ina.
Nang matapos raw ang kanilang show ay tinanong siya ni Jaclyn kung ano ang kanyang address dahil may ibibigay raw ito sa kaniya.
Nag-freak out pa nga raw si Ina dahil baka kung ano ang ipadala ng beteranang aktres sa kanya ngunit isa pala itong vintage bag na siya rin niyang isinuot nang dumalaw siya sa burol nito. May kalakip ring handwritten letter ang regalong handog sa kanya ng aktres.
Lahad pa ni Ina, para na raw siyang nanalo ng award nang tawagin siyang “good actress” ni Jaclyn.
“She would always write me random messages with a wide range of topics from “what is the capital of Finland” to “mahal kita alam mo yan.
“She was so endearing in her way. Mahal din kita tita, happy happy ka na ngayon sa langit,” sey pa ni Jaclyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.