Claudine hiniling na sana panaginip lang ang pagkamatay ni Jaclyn

Claudine hiniling na sana panaginip lang ang pagkamatay ni Jaclyn

Therese Arceo - March 08, 2024 - 05:28 PM

Claudine hiniling na sana panaginip lang ang pagkamatay ni Jaclyn
HINDI mapigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang maging emosyonal nang alalahanin ang araw na nalaman niyang pumanaw na ang kanyang nanay-nanayan sa showbiz na si Jaclyn Jose.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa latest episode ng “Showbiz Update”, nausisa siya kung ano ang kanyang naging reaksyon matapos malaman ang pagkawala ng award-winning actress.

Amin ni Claudine, natulala na lamang siya nang malaman ang malungkot na balita.

“Natulala. Sinabi nila sa akin mga 12 or 1 am kasi balak ko magpuyat talag nung hanggang 4 sana. And then… parang okay lang ako. Actually nakatulog pa ako nang maayos.

“Pero hindi ko alam na the next day pagkagising ko nagsisi-sigaw na ako. Siguro yun yung ano ko, parang bagong nalaman ko lang. Yung parang, ay akala ko pag tinulog ko to, bukas wala na. Parang ganun siguro yung grieving mechanism ko,” pagbabahagi ni Claudine.

Aniya, nagsisisigaw na raw siya at iyak nang iyak na tinatawag si Jaclyn.

Baka Bet Mo: Claudine sa pagkamatay ni Jaclyn Jose: Bakit hindi ko siya naramdaman!?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nagsisisigaw na ako. Tapos iyak na ako nang iyak na nanay. Tapos tumakbo ako nang nakapantulog papunta dun kay nanay. Pero may anona. Siyempre wala na dun at lahat lahat,” pagkukuwento pa ni Claudine.

Matapos nito ay nakatanggap na raw siya ng mensahe mula kay Andi ngunit sinabi niyang hindi niya kayang makita ang nanay-nanayan sa ganoong estado kaya sa cremation na lang daw siya pupunta.

Lahad pa ni Claudine, “Sana masamang bangungot lang ito. Noong namatay Daddy ko, hindi ako umiyak nang ganito. Nung namatay si Rico, hindi rin ganito siguro dahil sa shock. Noong namatay si Direk Wenn at Nanay [Jaclyn], ganito ako pero kailangan kong maging strong para kay Andi at Gwen. Kaya nga tawag sa akin panganay.”

Inamin rin niya na may regrets siya na wala siyang nagawa at hindi niya naramdaman na may iniinda raw ang kanyang nanay nanayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending