Rita Avila nabiktima ng manyak na direktor: Kadiri! Nakakatakot!

Rita Avila nabiktima ng manyak na direktor: KADIRI! NAKAKATAKOT!

Ervin Santiago - August 29, 2024 - 06:08 PM

Rita Avila tinangkang ibenta ni direk sa produ: KADIRI! NAKAKATAKOT!

Rita Avila

Trigger Warning: Mention of sexual abuse

MATAPANG na ibinahagi ng seasoned actress na si Rita Avila ang ginawang “pagbebenta” sa kanya ng nakilalang direktor sa isang producer.

Nangyari raw ito noong kabataan niya at wala pa siya sa showbiz industry. Binalikan ni Rita ang tagpong ito sa buhay niya sa pamamagitan ng kanyang social media.

Ni-repost ng aktres ang isang artcard na ginawa ng BANDERA noong April, 2023 kung saan mababasa ang ilan sa mga beauty secret na siyang nagpapanatili sa kanyang youthful look.

Dito niya ikinonek ang mga mapait na karanasan noong bata pa siya kung saan nabanggit nga niya ang tungkol sa nakilala niyang direktor at producer.

Baka Bet Mo: Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

“Sharing a sad SECRET na nalampasan ko:

“Nakakalungkot na may mga BIKTIMA at NAMBIKTIMA sexually sa SHOWBIZ.

“Pero hindi naman LAHAT.

“Sa Seiko Films, Viva Films at iba pang movie productions o TV ay wala naman akong na-encounter na ganu’n.

“Nakarating lang sa akin ang kwentong pag may nago-audition daw ay sinasabihang ganun din ang pinagawa sa aming female lead stars. Kung malaswa ay HINDI TOTOO YON,” pagbabahagi ni Rita.

Sa sumunod niyang mensahe, inamin niyang maraming nangmamaliit sa kanya noon dahil sa pagsabak sa mga sexy movies kung saan kailangan niyang magpakita ng katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


“Tinutuya ako sa pagpapasexy. Excited nga ako sa SEXY SCENES noon kasi ganun pala ang ART, ganu’n pala ang epekto ng ILAW at ANGGULO, hindi kelangang ipakita ang kaluluwa,” rebelasyon pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Rita Avila walang arte-arte sa halikan, love scene sa batang partner

Patuloy pa niya, “PERO ETO KA. May isa pang SECRET. (Kung tamad ka na magbasa ay OK lang naman).

“Hindi pa ako artista noon ay may nakilala akong direktor na ‘binebenta’ ako sa producer. Sabay nananamantala din itong direktor na ito. Pilit humahalik KADIRI. NAKAKATAKOT.

“Nagsumbong ako sa nanay ko pero parang wala lang sa kanya. Yun pala ay naaabutan siya.

“Minsan ay sa sarili ko pang cousin in law niya ako tinulak. Mabuti na lang ay nakaiwas ako. Kahiya-hiya.

“Nakakapanliit. Nakakagalit. Sobrang masakit.

“Bakit ko ibinahagi ito? Ito ang koneksyon sa isang post ko bago nito.

“Kanya-kanyang kapalaran at paglalakbay sa buhay. May mga taong gagawa ng MALI sa atin, tayo man ay may gagawing MALI dahil di pa natin alam ang gagawin.

“Ngunit sa huli, tayo ay mamumulat, matututo at makikilala ang mga sarili. Yun ang mahalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Imbis na MANAPAK, MANG-AKAY,” ang buong pahayag ni Rita Avila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending