Ogie napamura sa ginawa ng FAMAS kay Eva Darren: Mga Palaka!

Ogie Diaz napamura sa ginawa ng FAMAS kay Eva Darren: Mga palaka kayo

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 11:00 AM

Ogie Diaz napamura sa ginawa ng FAMAS kay Eva Darren: Mga palaka kayo

Ogie Diaz at Eva Darren

HINDI napigilan ng talent manager at online host na si Ogie Diaz na maglabas ng pagkadismaya sa ginanap na 72nd FAMAS awards kamakailan.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa ginawa umanong pambabastos ng mga organizer ng award-giving body sa veteran actress na si Eva Darren.

Kasama sana ang beteranang aktres sa mga magpi-present ng award sa naturang awards night kasama ang  kapwa veteran star at premyadong aktor na si Tirso Cruz III ngunit hindi nga ito natuloy dahil sa pagkakamali ng FAMAS.

Baka Bet Mo: Kathryn, Piolo, Alfred waging-wagi sa FAMAS 2024, ‘Mallari’ big winner

Umalma ang anak ni Eva Darren na si Dr.  Fernando de la Pena sa ginawang pang-iisnab ng naturang award-giving body sa kanyang ina at sinabing, “It is RUDE… It is DISRESPECTFUL… It is UNETHICAL… it is UNPROFESSIONAL to say the very least!!!”

Isa sa mga celebrities na nag-react at nagbigay ng kanilang saloobin tungkol sa nangyari ay ang content creator na si Ogie Diaz na napamura pa nga sa nangyari kay Eva Darren.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Mama Ogs ang kanyang komento. Aniya, “Sabi ng Famas spokesperson ba yon? Hindi raw ma-locate ang seat ni Ms. Eva Darren, kaya nagkaroon ng last minute replacement sa stage.

“Sorry for my word, put—  ina naman, sa tanda naman ni Ms. Eva, saan naman kaya siya pupunta? Nagte-table hopping ba siya? Nagyosi sa backstage? Nag-jog sa Quirino Grandstand? Namamasyal sa Luneta?”

“Mga palaka kayo!” hirit pa ni Mama Ogs patungkol sa mga organizer ng FAMAS 2024.


Patuloy pa niya, “Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan nyo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba?”

Baka Bet Mo: Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma

Dugtong pa ng talent manager, “Tapos, inabala nyo yung matandang nirerespeto sa industriya para lang mabastos sa Gabi ng Parangal? Iba talaga ang tinitingnan sa tinititigan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-issue na ng public apology ang FAMAS kay Eva Darren at inamin nga ang kanilang pagkakamali. Tinanggap naman ng pamilya ng aktres ang sorry ng naturang award-giving body.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending