Ano ang kuwento sa likod ng evergreen tree ni Ali Sotto sa Spain na ipinangalan sa yumaong anak na si Miko Sotto? | Bandera

Ano ang kuwento sa likod ng evergreen tree ni Ali Sotto sa Spain na ipinangalan sa yumaong anak na si Miko Sotto?

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 11:11 AM

Miko Sotto at Ali Sotto

MAY touching story pala ang napakagandang puno ng evergreen na matatagpuan sa bahay nina Ali Sotto sa Madrid, Spain.

Konektado ito sa yumao niyang anak na si Miko Sotto na namaalam sa mundo 18 taon na ang nakararaan dahil sa isang aksidente.

Matatandaang nahulog ang aktor sa balcony ng tinitirhang condominium building sa Mandaluyong City noong December 29, 2003.

Ngunit kahit halos dalawang dekada na ang nakararaan nang mawala si Miko, buhay na buhay pa rin ang mga alaala nito sa isip at puso ni Ali.

View this post on Instagram

A post shared by Ali Sotto (@alisotto)


Kagabi, August 17, nag-post ang TV host at dating aktres sa kanyang Instagram at Facebook account tungkol nga sa evergreen tree na nakatindig sa bahay nila ng kanyang asawang si Omar Bsaies, isang retired diplomat sa Conde de Orgaz, Madrid, Spain.

Ayon kay Ali, pinangalanan nila itong “Miko” na aniya’y simbolo ng katapangan at katatagan ng isang nanay na namatayan ng anak.

Sa nasabing IG post, makikita ang nasabing puno na tinawag ngang Mimo Tree, na mas mataas pa sa bahay nina Ali.

“After our son died in December 2003 we didn’t have it in us to celebrate Christmas.

“Not until six years after did we set up a live evergreen to light up and hang tinsel from.

“And only because we had his brother and sister, father and stepmom staying with us in Madrid at that time and we felt the need to spread the holiday cheer.

“After they left, we transferred the tree from pot to the ground, and named it our Miko tree.

“Last month, my husband had a chance to visit our house in Conde de Orgaz. There standing tall, silhouetted against the dying afternoon sun, was our beautiful, majestic Miko tree!” ang caption ng radio and TV host sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, “If only everyone knew that it has a story to tell – that it is a testament to the strength and courage of every mother who has ever lost a child.

“That it is a testimony of how through faith, and by God’s grace, her mourning will one day turn into dancing,” lahad pa ni Ali Sotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296247/tom-kay-carla-papatalo-ba-ako-sa-ganda-ni-misis-eh-di-resbakan-natin
https://bandera.inquirer.net/314260/robin-muling-nakasama-si-mariel-2-anak-sa-spain-susulitin-ang-bakasyon-bago-sumabak-sa-senado
https://bandera.inquirer.net/296247/tom-kay-carla-papatalo-ba-ako-sa-ganda-ni-misis-eh-di-resbakan-natin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending