Ruru Madrid pinabulaanang walang medic sa taping ng Black Rider

Ruru Madrid pinabulaanang walang medic sa taping ng ‘Black Rider’

Reggee Bonoan - March 08, 2024 - 07:58 PM

Ruru Madrid pinabulaanang walang medic sa taping ng 'Black Rider'

DAHIL nag-trending ang isinulat namin dito sa BANDERA ngayong araw tungkol sa kawalan ng medic sa set ng seryeng Black Rider ni Ruru Madrid ay kaagad sumagot ang aktor.

Ayon sa nasulat namin ay nahirapang makahinga ang aktres na si Rio Locsin sa eksenang ginawa niya at dahil dito ay walang umalalay sa kanya, base ito sa kuwento ng aming source.

Nabanggit din naming may viral video sa Tiktok na nakunan nga si Rio na hindi makahinga.

Sa mismong website ng BANDERA nagkomento si Aljhon na kasama sa Black Rider ni Ruru.

Aniya, “Dahil po yon sa eksena na ginawa nila ni Ruru. Nahirapan po siya makabitaw sa emosyon. Hindi totoo na walang medic sa set ng Black Rider. Ang totoo may nakahanda pa ngang ambulansya parati doon. Si Jon po pala ito mga Kapuso. Si CALVIN ng Black Rider. Maraming salamat po.”

Baka Bet Mo: Ruru isinugod sa ospital, payo ng doktor…mag-‘pause’ muna sa trabaho

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinundan naman ng nangangalang Taggy Malto Arieta, “Aljhon Lucas, nice to clear up tol!”

At sa kanyang Facebook page ay ni-repost ng bida ng Black Rider na si Ruru Madrid ang BANDERA at saka nagpaliwanag.

“Hindi po totoo na nahirapan huminga si Tita Rio sa set ng Black Rider. Meron po kaming eksenang ginawa, kung saan nahirapan si Tita Rio na i-cut ang emotions n’ya after mag-cut ng aming Director.

“Kaya kung mapapansin niyo po ‘yung video kino-comfort po s’ya ng lahat. Hindi din po totoo na walang medic sa set ng mga GMA Shows dahil hindi po natin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari sa isang set ng programa at dapat po tayong handa doon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming salamat po. Bandera.”

Binalikan naming ang aming source tungkol dito at natawa, “oo nabasa ko nga ang post nila (Aljhon at Ruru), talaga ba? Wait ha, hinihingi ko ang buong video saka ‘yung kasama kong nasa set papadala rin ako ng video wait mo.

Good thing sumagot sina Aljhon at Ruru para maklaro ang isyung ito. Salamat sa inyong dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending