Bianca, Ruru mas naging solid dahil sa pagkontra sa isa't isa

Bianca, Ruru mas naging solid ang relasyon dahil sa pagkontra sa isa’t isa

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Bianca, Ruru mas naging solid ang relasyon dahil sa pagkontra sa isa’t isa

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 07:15 AM

Bianca, Ruru mas naging solid ang relasyon dahil sa pagkontra sa isa't isa

Bianca Umali at Ruru Madrid

FEELING ni Bianca Umali, isa sa nagpapatatag sa relasyon nila ni Ruru Madrid ay ang pagiging “exact opposite” nila sa maraming bagay.

Yun daw siguro ang “secret” kaya habang tumatagal ay mas nagiging solid pa ang pagsasama nila ng Kapuso Action-Drama Prince kahit na magkaiba sila lagi ng opinyon at desisyon.

“I think ‘yung magic ng relationship namin ni Ruru, is that we’re both are the exact opposite of each other, like one hundred percent.

“Kapag may problema kami, mga solusyon sa problema talagang magkasalungat so we really have to find a way kung paano kami magko-compromise na aayon o kakayanin ng mga sarili naming values.

Baka Bet Mo: Bianca Umali kilig na kilig sa pagsundo ni Ruru Madrid, bakit kaya?

“Pero iyon nga, parang that’s what strengthened us kasi it makes us adjust for each other endlessly,” ang pahayag ni Bianca sa isang video mula sa online video ng GMA Kapuso Profiles.

Nagpalitan naman ng mensahe sa isa’t isa ang Kapuso couple. Sabi ni Ruru, sa kabila ng mga pinagdaraanan nilang pagsubok at sa mga taong nangnenega sa relasyon nila ni Bianca, mas pinipili pa rin nilang magpakapositibo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi lamang patunayan namin ‘yung relationship namin sa kanila kung hindi para patunayan din namin sa isa’t isa na talagang we’re meant to be together,” sey ng binata.

Baka Bet Mo: Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Mensahe naman ni Bianca sa kanyang boyfriend, “Mahal na mahal kita, alam mo iyon at alam lahat ng tao iyon, na ipinagmamalaki kita at hindi ako magsasawang gawin iyon.”

Hindi rin nagpatalbog si Ruru sa message ni Bianca sa kanya, “Ikaw ‘yung nagpabago sa akin. Hindi ko makakamit lahat ng mga pinangarap ko sa buhay kung hindi dahil sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Simula nu’ng dumating ka sa buhay ko nagkaroon ng direksyon ‘yung buhay ko. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at mahal na mahal kita,” ang sabi pa ng lead star ng hit Kapuso series na “Black Rider.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending