Bianca Umali kilig na kilig sa pagsundo ni Ruru Madrid, bakit kaya?
KILIG much ang Kapuso star na si Bianca Umali sa sweet surprise ng kanyang boyfriend na aktor na si Ruru Madrid.
Ilang araw na rin kasi hindi nagkita ang dalawa dahil sa kanilang conflicting work schedules.
“So… this guy lied to me today and it was one of the sweetest moments of my life [holding back tears emoji],” panimula ng aktres sa kanyang Instagram post.
Caption pa niya, “After working far far away for how many days – I’ve been missing my person so bad and we weren’t sure when we would see each other again because of our schedules.”
Sinabi rin ng aktres na busy si Ruru sa kanyang taping, ngunit hindi niya ine-expect na sasalubungin pala siya ng ibang driver nang makarating sa Manila.
“Today, he told me he had work – updating me that he arrived at his location, on set and rolling,” sey niya.
Kwento pa ni Bianca, “As I landed in MNL, I was expecting my driver to pick me up but NOPE. Ang sumundo – MY driver sweet lover pala [heart hands emoji] kiliiigzzz a moment I didn’t think I very much needed.”
Aniya pa, “You didn’t have to, but thank you @rurumadrid8 [red heart emoji] napawi lahat ng pagod ko. MNMK!!!”
View this post on Instagram
Nag-reply naman ang aktor sa post ni Bianca at sinabing, “I missed u…. di ako mapapagod na pasayahin ka araw-araw katulad nalang ng ipinangako ko sayo [red heart emoji].”
Maliban sa netizens, kinilig sa dalawa ang ilang kapwa-celebrities tulad nina Kris Bernal, Mavy Legaspi, Max Collins at Chynna Ortaleza.
“Cuties [smiling face with hearts emoji],” sey ni Kris.
Komento naman ni Mavy, “Damn the appreciation is real [red heart emoji] ang cute naman mga besties ko!”
Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang umamin at kumpirmahin ni Ruru ang tunay na relasyon nila ni Bianca.
Sa ngayon ay halos limang taon nang mag-dyowa ang celebrity couple.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.