Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya | Bandera

Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:24 AM

Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya

Bianca Umali at Ruru Madrid

MAGKATUWANG na ipatatayo ng Kapuso celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang kanilang dream house pagdating ng tamang panahon.

Ngayon pa lang ay pinaplano na nina Ruru at Bianca ang kanilang future pero agad nilang nilinaw na wala pa naman sa top priorities nila ang magpakasal dahil marami pa silang mga pangarap sa buhay.

Ayon kay Bianca nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa mediacon ng bagong teleserye ng GMA na “The Write One”, “Plano po naming dalawa yun. It’s more of being responsible sa finances. Du’n naman po lahat nagsimula yun, e.

“Before we really go to the process, siyempre we have to secure din muna yung mga individual na buhay namin before we jump into that. But, it is in the plan. Mukha naman pong matutuloy,” pahayag pa ng aktres.

Ayon naman kay Ruru, inuna na muna niya ang pagpapatayo ng bahay para sa kanyang pamilya at kapag natapos na  ito ay saka nila paplanuhin ni Bianca ang magiging bahay nila in the future.

“Siguro ako kasi, yung dream house ko for my family, sinisimulan na po. Sabi ko nga sa sarili ko, once na matapos ko na yun, siyempre kailangan kong i-set yung utak ko sa panibagong yugto ng buhay ko.

“Sabi ko nga sa sarili ko, wala na akong ibang babaeng hahanapin pa, siyempre siya na yung the right one sa buhay ko.

“So, hopefully, mangyari po yan kung ano man po ang nakaplano sa aming dalawa. Gusto po namin magawa ang lahat ng yun as long as right now sinusuportahan naman po namin ang isa’t isa.

“Siyempre, after this project, meron kaming ibang projects na gagawin na magkahiwalay kami. So, lahat po ng klase ng suporta gusto po namin ibigay sa isa’t isa,” pagbabahagi pa ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Samantala, tungkol naman sa pagpa-convert niya sa Iglesia ni Cristo, sinabi ni Bianca na, “There was no discussion at all. Hindi naging challenge. Never ko naramdaman.

“Hindi ko naisip na kailangan ko mag-convince kung papayag ang kahit na sino para sa isang personal na desisyon, especially that it is about faith.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching ‘nagkabalikan’

“It was a personal decision. Hindi ko po siya ginawa para kay Ruru, para sa pagmamahal. Ako po yung lumapit, at in fact hindi po alam ni Ruru na ako po ay nakapagpatala na.

“And nung inisip ko na magiging challenge ba ang lola ko, in fact not at all. Alam kong tinawag ako ng Ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


“And kung talagang naging challenge yun, hindi ako iwe-welcome at yayakapin ng lola ko nu’ng nalaman niya na masaya ako sa faith ko at mas malapit na ako kay Lord,” paliwanag ni Bianca.

At sa tanong kung kailan kaya sila magpapakasal ni Bianca, “Kasi para po sa aming dalawa, yung mga usapan po na ganyan, hindi natin siya puwedeng lagyan ng eksaktong date. Kasi, kusa pong mararamdaman ng tao po yan.

“I mean, kung talagang ready na kaming pumasok sa bagong yugto ng buhay namin, parehas po namin mapagdesisyunan na gagawin na po namin.

“Right now, nandu’n pa kami sa buhay namin na we want to maximize our career, at the same time kung paano po namin susuportahan yung isa’t isa.

“Kung sakali mang dumating, hindi natin alam, malay natin, bukas, sa isang araw, sa isang linggo, next year, hindi natin malalaman. So, yun na lang po ang hihintayin naming dalawa,” paliwanag pa ni Ruru.

Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending