Bianca Umali nilinaw na hindi si Ruru ang dahilan ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo: It is a personal choice | Bandera

Bianca Umali nilinaw na hindi si Ruru ang dahilan ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo: It is a personal choice

Therese Arceo |February 18,2023
facebook
share this

Bianca Umali nilinaw na hindi si Ruru ang dahilan ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo: It is a personal choice

Therese Arceo - February 18, 2023 - 07:20 PM

Bianca Umali nilinaw na hindi si Ruru ang dahilan ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo: It is a personal choice
MAY paglilinaw ang Kapuso actress na si Bianca Umali patungkol sa kanyang pag-anib sa relihiyon na Iglesia ni Cristo.

Sa kanyang interview sa podcast ni Nelson Canlas ay sinabi nitong hindi lang ito patungkol sa kanyang pakikipagrelasyon niya sa kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid.

“First of all, yes, isa na po akong ganap na Iglesia ni Cristo. But I don’t think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love,” saad ni Bianca.

Aniya, personal raw ang kanyang radon kung bakit umanib siya sa Iglesia Ni Cristo.

“It is a personal choice and not a choice I made just because in love ako sa isang tao,” paglilinaw ni Bianca.

Kuwento pa niya, ilang taon rin siyang namuhay mag-isa at noon tumuntong siya ng 20 years old ay nagdesisyon siya na magkaroon ng matibay na relasyon sa Panginoon.

Paglalahad ni Bianca, “I have been alone for how many years and I knew at some point na I wanted something for myself na hindi mawawala.

“And I knew that it wasn’t something that was materialistic. But then I realized, it was my 20th birthday, sabi ko, ‘Maybe it’s my faith.'”

Chika pa niya, ramdam niya ang presensya ng Panginoon na ginagabayan siya at hindi siya pinapabayaan kahit na may mga pagkakamali itong nagagawa.

“I knew that God has always been in my life. He has always guided me. He has always been with me—holding my hand. Hindi niya ako pinabayaan, even though I wasn’t this close to Him and alam kong marami rin akong pagkakamali noon sa Kaniya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

At noong panahon raw na na-discover na niya ang kanyang faith ay ang pagpasok naman ni Ruru sa kanyang buhay.

“Hindi dahil sa kaniya kaya ako nag-convert pero naging instrumento siya para maipakilala sa akin yung religion at maipakita sa akin yung daan kung saan tinawag ako para mapalapit ako sa Diyos,” dagdag pa ni Bianca.

Well, faithful members ng Iglesia ni Cristo ang pamilya ni Rurat ito nga ang dahilan kung bakit hindi tumatanggap ng commitment ang aktor tuwing Huwebes at Linggo dahil ito ang araw ng kanilang pagsamba.

Matatandaang last year lang nang kumpirmahin ni Ruru na mahigit four years na ang kanilang relasyon ng dalaga.

Dito ay ikinuwento ng aktor ang pag-anib ni Bianca sa kanilang relihiyon at sinabing para sa kanya, ang dalaga na ang kanyang “the one”.

“Before ka maging INC, eight months. Kailangan mo aralin ‘yung 25 lessons, and then after that kailangan mo pa ‘yung tinatawag naming ‘sinusubok.’ Dun kailangan hindi ka makapag-miss ng kahit isang pagsamba. Kailangan mo makapunta dun sa mga tinatawag naming mga pulong, na lahat yun dapat makumpleto mo,” lahad ni Ruru sa kanyang “Toni Talks” interview.

Nakatakda namang bumida sa proyektong “The Write One” sina Bianca at Ruru ngayong taon.

Related Chika:
Ruru Madrid umaming si Bianca Umali ang dahilan kaya nag-showbiz: Gusto ko siya maka-partner…

Gladys Reyes nanindigan para sa mga INC: Sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken Chan tinulungan ni Bianca Umali para ‘maka-move on’ kay Rita Daniela

Miguel Tanfelix naging ‘dyowa’ sina Barbie Forteza, Bianca Umali, at Kyline Alcantara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending