Ken Chan tinulungan ni Bianca Umali para 'maka-move on' kay Rita Daniela | Bandera

Ken Chan tinulungan ni Bianca Umali para ‘maka-move on’ kay Rita Daniela

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Ken Chan tinulungan ni Bianca Umali para ‘maka-move on’ kay Rita Daniela

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:46 AM

Rita Daniela, Ken Chan at Bianca Umali

Rita Daniela, Ken Chan at Bianca Umali

AMINADO ang Kapuso actor at TV host na talagang nanibago siya nang magsimula na ang taping nila para sa bagong Kapuso series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss”.

Ito kasi ang unang pagkakataon makalipas ang tatlong taon na sasabak siya sa isang romcom series bukod pa sa hindi na ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela ang kanyang leading lady.

Pero ayon kay Ken, napakalaki ng  naitulong sa kanya ng ka-loveteam niya sa “Mano Po Legacy: Her Big Boss” na si Bianca Umali para madali siyang makapag-adjust.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


“Ngayon nga medyo nakakapanibago na after three years, hindi kami ni Rita ang magsasama. Sobrang laking tulong ni Bianca talaga sa akin.

“Sobrang happy ako na after three years na nag-stay ako sa isang love team, si Bianca ‘yung nakaparehas ko dahil malaking tulong siya sa akin,” ang sabi ni Ken.

May mga ibinahagi raw sa kanya si Bianca na ilang tips tungkol sa paglabas mula sa isang loveteam, “Lagi niya kong binibigyan ng advice kasi nanggaling din si Bianca sa isang love team.

“Binibigyan niya ako ng advice dahil after noong loveteam niya (with Miguel Tanfelix) gumawa siya ng iba’t ibang teleserye na iba’t iba ‘yung naka-partner niya. Nagbigay siya sa akin ng advice at talagang nakatulong ‘yun sa akin,” pahayag ng binata.

Pagpapatuloy ni Ken, “Sabi sa akin ni Bianca, talagang mas maganda at mas healthy kapag hindi ka nag-stick sa isang love team kasi nakakaparehas mo at nakakatrabaho mo ‘yung mga iba’t ibang aktor, ‘yung mga iba’t ibang aktres sa paligid mo.

“Hindi nalilimitahan ‘yung trabaho mo, hindi nalilimitahan ‘yung story na binibigay sa iyo at nagpo-focus sa istorya.

“Yun ‘yung maganda kapag nakalabas ka sa isang love team. ‘Yun ‘yung mga na-appreciate ko na words from Bianca,” chika pa ng Kapuso star.

Sa “Mano Po Legacy: Her Big Boss”, gagampanan ni Ken ang karakter ng geeky boss na si Richard Lim habang si Bianca naman ang magiging assistant niya bilang si Irene Pacheco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ang “Her Big Boss” tuwing 9:35 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin nila rito si Kelvin Miranda.

Ken Chan itinuturing na ‘gamot’ sa stress at kalungkutan ang ‘Mano Po: Her Big Boss’

GMA 7 sunud-sunod ang mga pasabog sa 2022; Family Feud, Sang’gre, Voltes V, Running Man PH kasado na

Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending