Dating business partner ni Ken Chan: ‘Lakas mangbaliktad, harapin mo kami!’
MATAPOS ibandera ang official statement kaugnay sa kasong syndicated estafa, nagbigay agad ng reaksyon ang dating business partner ni Ken Chan na si Mark Wei.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, shinare mismo ni Mark ang mahabang post ni Ken.
Bungad niya, “Okay, wait, ako naman magsalita soon? [emojis] Lakas mangbaliktad [emoji]. Hindi malulugi, kung sa negosyo napunta ang pera at hindi sa bulsa. Lol [laughing emoji].”
Kasunod niyan ay kinukwestyon niya si Ken kung bakit ayaw niyang humarap sa korte.
“Why hide and seek, why may probable cause if nalugi. Hay showbiz nga naman,” sey niya.
Dagdag niya, “All of our accusations are grounded in legal principles and supported by evidence. Hindi to kwentong kutchero lang po [emojis] Kaya nga may warrant na ‘diba??”
Wika pa ni Mark sa aktor, “Nakakatawa lang [emojis] lalo ka lang nagmukhang walang alam sa batas sa ginawa mong statement [emojis].”
Pakiusap pa niya, “Harapin mo na lang kami po [red heart, holding back tears emojis] Kung inosente ka talaga, leg’s put it in the proper forum sa court [red heart emoji].”
Ibinunyag rin ni Mark na marami pa siyang isasampang reklamo laban sa aktor bukod pa sa kasong syndicated estafa.
“More filings are on the way [folded hands emoji],” sambit niya sa IG Story.
Pagtitiyak pa niya, “We won’t stop until we find justice, not just for me, but also for the employees who have suffered deeply [emojis].”
Mensahe niya sa publiko, “Sa mga taong nagko-comment, sana ‘wag natin suportahan ‘yung mali. Hindi lahat ng matatamis na salita ay totoo.”
Magugunitang binasag ni Ken ang kanyang katahimikan at ipinagdiinan na hindi siya manloloko.
Ayon sa kanyang pahayag, walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng dating co-investor niya sa itinayong negosyo.
“Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon,” saad sa bahagi ng kanyang post.
Aniya pa, “Sa mga taong patuloy na nagmamahal at naniniwala sa akin, lalaban po ako. Patuloy po ninyo akong isama sa mga panalangin ninyo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.