Ken Chan sa kasong syndicated estafa: Hindi po ako tumatakbo

Ken Chan sa kasong syndicated estafa: Lumalaban po ako, hindi tumatakbo

Ervin Santiago - November 14, 2024 - 09:54 PM

Ken Chan sa kasong syndicated estafa: Lumalaban po ako, hindi tumatakbo

Ken Chan

SA WAKAS, binasag na rin ng Kapuso actor na si Ken Chan ang kanyang katahimikan tungkol sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya.

Ngayong araw, November 14, nag-post ang binata ng kanyang official statement sa kanyang Instagram account, kalakip ang mga litrato ng dati niyang restaurant na Cafe Claus.

Ipinagdiinan ni Ken Chan na hindi siya manloloko at walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng dating co-investor niya sa itinayong business.

Baka Bet Mo: Ricardo Cepeda sa pagkakulong dahil sa estafa: I was shocked! Hindi ko alam na may mga warrant ako!’

Umalma rin siya sa mga taong patuloy na nangwawasak sa kanyang pagkatao. Narito ang buong pahayag ni Ken:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


“Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

“Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara.

“Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.

“Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan. Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila.

“May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo.

“Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko.

“Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakaraang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin.

“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin.

“Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan.

“Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito. Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


“Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon.

“Sa mga Companies at Brands na associated sa akin na naapektuhan sa sitwasyon na ito, paumanhin po sa inyong lahat. Babawi po ako sa inyo. Sa kabila ng lahat gusto kong magpasalamat sa pagsuporta at pag-unawa ninyo sa akin. Ramdam ko po ang pagmamahal ninyo.

“At sa mga taong patuloy na nagmamahal at naniniwala sa akin, lalaban po ako. Patuloy po ninyo akong isama sa mga panalangin ninyo.

“KEN CHAN.”

Matatandaang nitong nagdaang November 8, nagsalita ang isang Atty. Joel Noel, ang legal counsel umano ng complainant tungkol sa pagkabigo ng mga otoridad na mai-serve ang warrant of arrest laban kay Ken dahil wala siya sa kanyang tahanan.

“Hindi nai-serve ang warrant na yun at patuloy na hahanapin siya,” ani Atty. Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sila po ay kakasuhan ng syndicated estafa under Article 315 of the Revised Penal Code. So, meron po silang pending na kaso at ito po ay nasa husgado na, at meron silang pending warrant of arrest,” dagdag ng abogado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending