1 pang artista dawit sa kaso ni Neri; P1-B investment hinahabol ng complainants
MAY isa pang kilalang celebrity ang kinasuhan ng syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code na endorser din beauty company na inireklamo ng ilang investors.
Konektado pa rin ito sa kinasasangkutang demanda ng actress-entrepreneur na si Neri Naig-Miranda na nakakulong ngayon sa Pasay City Jail’s female dormitory.
Base sa naging pahayag ng abogado ng 39 complainant, inirereklamo nila ang pagkawala ng perang in-invest nila sa Dermacare-Beyond Skin Care Solutions na ineendorso ni Neri at ng ilan pang personalidad, isa na nga rito ang isa pang sikat na artista.
“Kinasuhan po namin ma’am ay lahat ng board of directors nila doon sa Dermacare Corporation na ‘yun plus lahat po ng mga endorser.
Baka Bet Mo:SEC inisa-isa ang mga nilabag daw na batas ni Neri Miranda kaya inaresto
View this post on Instagram
“Siguraduhin po sana natin na ‘yung ine-endorse nating produkto or corporation or services ay legitimate po,” ayon kay Atty. Roberto Labe sa ulat ng “24 Oras.”
Sabi pa ni Labe, naengganyo ang mga complainant na mag-invest ng halos P90 million dahil daw kay Neri at sa iba pang celebrity endorsers at aabot daw umano sa P1 billion ang hinahabol nilang halaga.
“Kasama po siya sa mga kinasuhan namin as endorser gawa po ng isa po siya sa mga dahilan.
“Sabi nga po ng aking mga kliyente, kung bakit po sila ay lalong nagtiwala sa corporation na ‘yun dahil alam po nilang matino naman po ‘yung mga artistang endorser,” esplika ng abogado.
Sabi pa sa ulat, October 2020 nang maging endorser at franchisee ng Dermacare si Neri.
Ngunit sa isang post niya sa Facebook noong September 1, 2023, ibinahagi ng aktres na hindi na wala na siyang koneksyon sa Dermacare at anumang transaksyon gamit ang kanyang pangalan ay hindi niya otoridado.
Sabi naman ni Labe, 2023 nang magtalbugan ang mga tseke na ibinigay sa kanyang mga kliyente matapos na maglabas ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa kompanya.
Dito, nakasaad na hindi otoridado ang Dermacare na mag-solicit ng investments dahil hindi ito nakarehistro at walang license to sell securities.
Ayon sa SEC, nakasaad sa franchise partner agreement ng Dermacare ang guaranteed return ng 12.6% sa ipinasok na puhunan sa bawat ng quarter sa loob ng limang taon, bukod pa sa discounts na makukuha sa serbisyo mula sa kanilang klinika.
Mananatili sa kulungan si Neri habang nakabinbin pa ang kaso ng SEC laban sa naturang kumpanya sa Department of Justice.
Naghain din ng motion to quash ang abogado ni Neri sa Pasay Regional Trial Court para ibasura ang patung-patong na kaso laban sa kanya.
Na-move sa January 9, 2025 ang schedule ng arraignment sa kaso ni Neri na unang itinakda last Thursday pero hindi nga ito natuloy dahil sa inihain nilang mosyon.
Nauna rito, todo tanggi ang mister ni Neri na si Chito Miranda sa lahat ng akusasyon laban sa aktres.
“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko. Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.
“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.
“Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya. Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.
“Pinapa sa Diyos nya na lang. Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare. Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.