Ruru Madrid, Bianca Umali nag-uumapaw ang chemistry at magic sa 'The Write One': 'Ginawa at ibinigay na namin lahat dito!' | Bandera

Ruru Madrid, Bianca Umali nag-uumapaw ang chemistry at magic sa ‘The Write One’: ‘Ginawa at ibinigay na namin lahat dito!’

Ervin Santiago |March 26,2023
facebook
share this

Ruru Madrid, Bianca Umali nag-uumapaw ang chemistry at magic sa ‘The Write One’: ‘Ginawa at ibinigay na namin lahat dito!’

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 07:28 AM

Ruru Madrid, Bianca Umali nag-uumapaw ang chemistry at magic sa 'The Write One': 'Ginawa at ibinigay na namin lahat dito!'

Ruru Madrid at Bianca Umali

HANGANG-HANGA ang viewers sa primetime series ng real-life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, ang “The Write One.”

Umere ang pilot episode nito noong Lunes, March 20, na talaga namang tinutukan sa TV at agad ding nag-trending sa Twitter.

Kaabang-abang naman kasi talaga ang romantic drama series na ito dahil pinagsama ang mga kinagigiliwan at kinakikiligang Kapuso stars.

Bukod kina Ruru at Bianca, nasa serye  rin sina Mikee Quintos at Paul Salas, pati na rin ang mga batikang aktres at aktor na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Napakaganda ng storyline ng “The Write One”, very relatable at on-point. At ngayon pa lang ay talagang napapa-“what if” na ang mga Kapuso viewers kaya naman siguradong susubaybayan nila ito hanggang dulo.

At siyempre, hindi rin matatawaran ang husay sa pagkakagawa ng cinematography at OST ng “The Write One.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Ibang Ruru rin ang masisilayan dito mula sa “Lolong” na kinaaliwan din ng maraming viewers noon. Ganito yung klase ng palabas na talagang hindi mo mapapalalagpas ang bawat episode.
“Sobrang masaya na ako. I didn’t expect na ganito ‘yung magiging reaction din ng tao while watching this series. ‘Yung eksena namin na nag-kiss kami.

“To be honest ‘yun ang challenge for me, dahil nga sa sobrang kumportable namin sa isa’t isa. Siyempre gusto naming maparamdam sa tao ‘yung kilig, ‘yung feeling na para bang hindi sila sanay na makita kami,” sabi ni Ruru sa panayam ng GMA.

Para naman kay Bianca, “Actually sa show na ito, I think it pushed beyond our limits kasi lahat ng genre na puwede naming gawin at pasukin ginawa namin and binigay namin.

Baka. Bet Mo: Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

“Because we want to give our best and for the show to look na sobrang ganda and siksik sa rekados kumbaga,” sey ng Kapuso actress.

Kaya patuloy na tumutok sa “The Write One,” Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

* * *

Hooked na talaga ang viewers sa mga tumitinding eksena sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot Kamay Na Pangarap.”

Pero magiging mas exciting pa ang kuwento nito dahil sa pagpasok ng mga karakter ng mga batikang artista na sina Dina Bonnevie at Gabby Eigenmann.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Magiging bahagi rin ng serye ang Sparkle artist na si Jamir Zabarte. Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ni Analyn (Jillian Ward)?

Samantala, ano kaya ang mangyayari kay Doc RJ (Richard Yap) ngayong bumalik na ang kanyang alaala matapos ipahamak ni Moira (Pinky Amador)? Mananagot na ba si Moira o lalo lang manganganib ang buhay ni Doc RJ?

Subaybayan ang “Abot Kamay Na Pangarap,” Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending