Ruru Madrid sa pagiging INC ni Bianca: Hindi ko naman siya tinutukan ng baril para, ‘Mag-convert ka para sa akin’
NEVER pinilit ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang girlfriend niyang si Bianca Umali na magpa-convert sa relihiyong Iglesia ni Cristoo INC.
Paglilinaw ng binata, hindi raw kailanman naging isyu sa relasyon nila ni Bianca ang usaping religion at hindi totoong dahil sa kanya kaya naging INC ang dalaga.
“Siguro, marami ring misconception na mga tao na parang pakiramdam nila, ang ginawa ni Bianca yung pag-convert sa INC just because of me. Pero siguro, naging instrumento ako,” paglilinaw ni Ruru hinggil sa issue.
Ngunit inamin naman ng lead star ng latest Kapuso primetime series na “The Write One” na totoong ginawa niya itong panata.
“Kasi siyempre, hindi ko naman siya tinutukan ng baril na, ‘Mag-convert ka para sa akin.’ Wala pong ganu’n.
View this post on Instagram
“Siya po yung nagsabi sa akin na open daw siya para sa aral ng Iglesia ni Cristo. And then simula nun, sabi niya sa akin gusto na niya magpa-doktrina.
“Birthday niya po yun. Kaya sobrang na-touch ako. Hindi naman po para maging parte ng Iglesia, hindi naman siya overnight lang, e.
“It will take eight months bago ka ma-convert. Inaral niya po talaga yun. So, I don’t think just because of me kaya po niya ginawa yun,” ang pahayag pa ni Ruru.
Kasunod nito, nabanggit din ni Ruru na nagpaalam din sila sa lola ni Bianca bago nagpa-convert ang aktres sa INC.
“Actually, dalawa po kaming nagpaalam sa lola niya. At first, natakot kami na baka mamaya hindi pumayag, pero nagulat kami na sobrang open din ni Mama Vicky sa sinabi ni Bianca.
View this post on Instagram
“Sobrang na-touch ako. Pinagpanata ko yun. Every night, pinagpi-pray ko yun,” chika ng aktor.
Nauna rito, sinoguro ni Ruru na kinalimutan na niya ang pagiging babaero mula nang magkabalikan sila ni Bianca.
“Ay naku, hindi na talaga! Siguro nung mga una, kasi bata pa ako nun, e. Siguro po, sobrang vocal kasi ako sa nararamdaman ko, e. I mean, pag may nagustuhan na babae, sasabihin ko talaga. Siguro kasi nu’ng time na yun, single ako.
“So, puwede ko namang gawin yun na mga bagay na gusto ko. Pero ngayon kasi, wala na, e. Nakita ko na ang mga bagay na meron ako. Ayoko nang mawala yun,” pahayag pa ni Ruru.
Sa isang hiwalay na panayam, nais daw nina Ruru at Bianca ang isang private beach ceremony pero siyempre mauuna raw muna ang wedding nila sa simbahan ng INC.
Samantala, excited na si Ruru sa pagsisimula ng bagong drama series ng GMA Public Affairs na “The Write One” sa darating na March 20, sa GMA Telebabad, kung saan makakasama nga niya si Bianca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.