Jaclyn Jose nasasaktan na sa pamba-bash ng haters sa INC: Sobra na po, sana wala namang sakitan ng religion
MATAPANG na dumepensa ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa lahat ng kumukuwestiyon at namba-bash sa political stand ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC).
Member ng INC ang 2016 Cannes Film Festival best actress at pabor na pabor siya sa desisyon ng kanilang sekta sa pagsuporta sa kandidatura nina Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Sara Duterte bilang presidential at vice presidential aspirants.
Kung hindi kami nagkakamali, si Jaclyn ang unang sikat na showbiz personality na hayagang nagtanggol sa INC mula sa natatanggap nilang batikos mula sa ilang grupo.
Naging hot topic sa social media at talagang nag-trending sa Twitter Philippines ang announcement ng Iglesia Ni Cristo last May 3 kung sinu-sino ang iboboto nila sa darating na May 9 elections.
Kung marami ang natuwa at nagbunyi sa desisyon ng INC, marami ring kumuwestiyon sa kanilang mga napiling kandidato at base sa mga nabasa naming comments sa social media karamihan sa mga kumontra ay mga supporters nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Kagabi May 4, nag-post si Jaclyn sa kanyang Instagram account ng kanyang saloobin tungkol sa issue kalakip ang litrato ni Bongbong na may hawak ng bandera ng Pilipinas katabi ang isang malaking tigre.
Narito ang buong pahayag ng Kapuso veteran actress, “I just want (to) defend our vote, watching a channel (TV network) na parang d na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga.”
View this post on Instagram
Dagdag pang paliwanag ni Jaclyn, “Pasensiya na po…nasasaktan lang ganu’n po talaga kami. Sobra na po. Sana wala naman sakitan ng Religion.
“Wala ako sa posisyon magsalita, may mga leader po kami na makakapag paliwanag.
“Ganu’n po talaga kami mga miembro nagkakaisa..wala na po kayo magagawa. ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia.
Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng hindi sang-ayon sa choices ng INC, “Sorry po…may malalim po kami pag uunawa ukol sa mga bagay na ito..salamat po,” mensahe pa ng premyadong aktres.
“Nagsasalita po bilang Iglesia ni Cristo member…wag masamain. Iba po ang utang ko at pasasalamat bilang artista..salamat po.
“God bless Us all. Safe halalan kung sino manalo respeto po ang aasahan nyo sa akin,” dagdag na sabi pa ni Jaclyn Jose.
https://bandera.inquirer.net/312536/iglesia-ni-cristo-ibinandera-ang-pagsuporta-kina-bongbong-at-sara-12-kandidato-sa-pagkasenador-napili-na
https://bandera.inquirer.net/296579/jaclyn-jose-binanatan-si-albie-may-pakiusap-kay-direk-lauren-dyogi
https://bandera.inquirer.net/296618/jaclyn-andi-kinuyog-ng-netizens-sinira-nyo-career-ni-albie-pero-never-kayong-nag-sorry
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.