Ruru kay Bianca: Ikaw lang ang minahal ko nang ganito!

Ruru Madrid kay Bianca Umali: Ikaw lang ang minahal ko nang ganito!

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Ruru Madrid kay Bianca Umali: Ikaw lang ang minahal ko nang ganito!

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 06:00 AM

Ruru kay Bianca: Ikaw lang ang minahal ko nang ganito, mahal na mahal kita

Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Bianca Umali at Ruru Madrid

MARAMING shocking revelations ang lalong nagpapa-intense sa “Black Rider” kaya naman talagang tutok na tutok pa rin ang sambayanan!

Sa patuloy na pag-arangkada ng katotohanan, sumisingaw na ang panibagong lihim ng nakaraan. Ano nga kaya ang magiging papel ng mga karakter nina Rita Avila (Rosa), Yayo Aguila (Hilda), at action star Jestoni Alarcon (Antonio)?

Napaka-exciting ng mga susunod ng pangyayari. Can’t wait na ang viewers na malaman paano mababago ang buhay nina Calvin at Elias sa pagdating nina Rosa, Hilda, at Antonio.

Baka Bet Mo: Derrick, Elle may sariling paraan ng paghihiganti kapag niloko at inapi

“For sure, mababago rin ang takbo ng kuwento — mas suwabe, mas maangas, at mas kapana-papanabik.

Wala nang iwanan sa mas umaatikabong happenings sa “Black Rider,” Mondays to Fridays, 8 p.m. sa GMA Prime, at 9:40 p.m. sa GTV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa isang panayam, muling ibinandera ni Ruru ang matinding pagmamahal kay Bianca Umali. Gagawin daw niya ang lahat para patunayang pang-forever na sila ng dalaga.

“Hindi lamang patunayan namin ‘yung relationship namin sa kanila kung hindi para patunayan din namin sa isa’t isa na talagang we’re meant to be together.”

“Ikaw ‘yung nagpabago sa akin. Hindi ko makakamit lahat ng mga pinangarap ko sa buhay kung hindi dahil sa iyo.Simula nang dumating ka sa buhay ko nagkaroon ng direksyon ‘yung buhay ko.

“Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at mahal na mahal kita,” mensahe pa ni Ruru kay Bianca.

* * *

Kung nawindang ang Crazy 5 sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva), the feeling is mutual para sa viewers dahil nabubulabog din sila sa surprising at gripping scenes sa revenge drama series ng GMA Public Affairs na “Makiling.”

Sabi nga ng taumbayan, bumabaliktad na ang mundo dahil nag-uumpisa nang gumanti at maningil ang dating naaaping bida.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


Maraming viewers ang talaga namang tuwang-tuwa sa “character development” ni Amira at umaasang matututo na ng leksyon ang mga mapang-aping sina Seb (Kristoffer Martin), Portia (Myrtle Sarrosa), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).

Sey nga ng isang netizen, “‘Yan ang gusto ko sa ’yo Amira, ‘yung palaban ka!”

Komento naman ng isa pang viewer, “Ito ‘yung klase ng palabas na magandang panoorin dahil hindi palaging naaapi ang bida.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sorry now, ganti later! Matitikman na ang paghihiganti ni Amira sa pambansang revenge drama ng Pilipino, “Makiling,” weekdays tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending