Derrick, Elle may paraan ng paghihiganti kapag niloko at inapi

Derrick, Elle may sariling paraan ng paghihiganti kapag niloko at inapi

Ervin Santiago |January 17,2024
facebook
share this

Derrick, Elle may sariling paraan ng paghihiganti kapag niloko at inapi

Ervin Santiago - January 17, 2024 - 06:55 AM

Derrick, Elle may sariling paraan ng paghihiganti kapag inapi at niloko

Derrick Monasterio at Elle Villanueva

MAS matinding emosyon ang madarama ng viewers sa bagong linggo ng “Makiling” nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Sa pagpapatuloy ng pinakabagong revenge drama series ng GMA Public Affairs na “Makiling” siguradong hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na eksena.

Unang umere nitong January 8, tinutukan ng viewers ang pilot week ng serye dala ng bagong konsepto nito at matitinding eksena na humakot ng positive reviews sa iba’t ibang social media platforms.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pasabog na ang Afternoon Prime. Grabe, ganda din nito,” pagbabahagi ng isang netizen matapos mapanood ang mga episode sa pilot week.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio, Elle Villanueva nagyayakapan, nagsasabihan ng ‘I love you’ pero hindi pa magdyowa; ‘Return To Paradise’ pasabog ang ending

Pinuri naman ng ibang viewers ang kakaibang konsepto at kuwento ng “Makiling” na talaga namang sinusubaybayan na nila tuwing hapon. Sabi pa ng isang viewer, “Ganda ng istorya. May bago na naman akong aabangan.”

“Parang pelikula!” dagdag pa ng isang netizen.

Dahil may tema ng paghihiganti ang serye, natanong sa isang panayam sina Elle at Derrick, “Kailan ang paghihiganti ay makatarungan at kailan ito masama?”

Sey ni Elle, maraming paraan upang maghiganti, “Sa totoo lang, when our emotions are heightened hindi mo naiisip kung ano ‘yung tama sa mali e, you’re just acting on your emotions ‘di ba?

“So, minsan hindi mo na alam sumusobra ka na pala and that’s what I learned before kasi dati nu’ng bata pa ako, I would act on my emotions, aggressive, ‘di ba?

“Pero, as I mature, iniisip ko, hindi naman kailangang manakit ng tao e. Puwede kang mag-revenge na sariling loob mo ‘yung pagagandahin mo. It’s the type of revenge that I would go for,” sey pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi naman ni Derrick, “Kapag halimbawa, napag-isipan mo na, naupuan mo na, set emotions aside, tapos gusto mo pa ring mag-revenge, hindi ko sinasabing tama, pero valid na ‘yung napi-feel mo.”

Sa pagpapatuloy ng serye, matutunghayan ng viewers ang tuluy-tuloy na buhos ng problema sa buhay ni Amira (Elle) lalo pa’t nasa kanya ang misteryosong halaman na Mutya na muntik na siyang ipahamak.

Baka Bet Mo: Elle natatakot sa sobrang kabaitan ni Derrick: ‘Parang…totoo ba to?’

Lalalim din ang tensyon sa pagitan ng magkapatid na Amira at Rose (Thea Tolentino) dahil sa selos at magkaibang pananaw at diskarte nila sa buhay.

Dagdag pa rito ang mga hamon na susubok sa relasyon nina Amira at Alex (Derrick).

Sa kasamaang palad, magiging miserableng tuluyan ang buhay ni Amira dahil makakaengkwentro niya ang grupo ng mga naghahariang bully na Crazy5 na talaga namang magbibigay sa kanya ng sunud-sunod na pasakit.

Kasabay ng masasalimuot na pangyayari sa buhay ng bida, hahayaan lang kaya ng diwatang si Maria Makiling na magdusa si Amira o poprotektahan niya ito?

Hindi dapat palampasin ng viewers ang mga susunod na episodes dahil malapit na ring mabunyag ang pagkakakilanlan ni Maria Makiling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mas tumitindi at nakakagigil na kuwento sa “Makiling”, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending