Elle Villanueva: Ipinakita sa ‘kin ni Lord itsura ko kung mamamatay na ako

Derrick Monasterio at Elle Villanueva
SARIWANG-SARIWA pa rin sa isip ng Kapuso actress na si Elle Villanueva ang naging karanasan niya sa pagbabakasyon sa Switzerland.
Hindi napigilan ng girlfriend ni Derrick Monasterio ang maging emosyonal nang balikan ang near-death experience niya matapos malaglag at magpagulung-gulong sa Swiss Alps.
“Kasi peak ‘yun, eh. So akala ko, mapupunta na ako sa pinakababa or maybe malaglag na lang talaga ako or hindi ko alam.
“Akala ko last moments of my life na ‘yun, but at the same time nasa survival mode ako na naghahanap ako ng makakapitan,” pagbabalik-tanaw ni Elle sa panayam ng “24 Oras.”
Feeling daw talaga ni Elle ay katapusan na niya nu’ng mga sandaling yun. Sobrang takot ang kanyang naramdaman habang naghahanap ng makakapitan.
“Kapag nakita mo talaga ‘yung video, parang pinakita talaga sa ‘kin ni Lord kung ano ‘yung itsura ko kung mamamatay ako.
View this post on Instagram
“So parang I think this is Him telling me na I need to appreciate life more. Life-changing talaga siya, parang it’s a message na binigay talaga sa ‘kin ni Lord,” saad pa ni Elle.
Sa naunang panayam ng media kay Derrick, naikuwento rin nito ang aksidenteng kinasangkutan ni Elle, “She almost died. Nasa Alps kami tapos nadulas siya, dire-diretso lang siya pababa.
“Sobrang taas, two-storey high slope without seeing the end kasi sobrang foggy. Nagpapa-picture ako sa kanya tapos bigla siyang nadulas sa slope.
“So, nahulog siya dire-diretso. Para siyang gumugulung-gulong. Para siyang nag-snowball, lahat ng gamit niya kumalat na du’n,” pagbabahagi ng hunk actor.
Patuloy pa niya, “Tapos du’n sa pinakadulo, may 10-feet drop. So, may hulog pa. Buti na lang may isa pang flat na road na nandu’n siya nahulog. And buti na lang walang nangyari, na hindi siya na-injure.”
Pagkatapos ng nangyaring aksidente, super thankful pa rin ang Kapuso couple dahil nasaksihan nila ang Northern Lights nang bisitahin naman nila ang Iceland.
Samantala, mapapanood na rin si Elle sa bagong season ng “Lolong: Bayani ng Bayan” ni Ruru Madrid. Gagampanan niya ang karakter ni Tetet na mai-involve kay Lolong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.