Derrick Monasterio laging tinatawag na ‘bano’, ‘ham actor’: Napipikon ako

Derrick Monasterio, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose at Mikee Quintos
MANGIYAK-NGIYAK ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio nang makatanggap ng papuri mula sa GMA executives dahil sa ipinakita niya acting sa seryeng “SLAY.”
Nangyari ito sa grand mediacon ng naturang teleserye nitong nagdaang Miyerkules, March 19, kung saan si Derrick nga ang napiling lead actor. Makakasama niya rito sina Mikee Quintos, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega at Julie Anne San Jose.
Ayon kay GMA senior vice-president Atty. Annette Gozon-Valdes na present din sa naganap na presscon, proud siya kay Derrick dahil napakagaling daw ng aktor sa “SLAY.” Siguradong magmamarka raw ang binata sa mga manonood.
Todo-pasalamat naman si Derrick sa mga bossing ng GMA na naging emosyonal nga nang hingan ng reaksyon sa natanggap na magagandang feedback sa pagganap niya sa “SLAY.”
Ayon kay Derrick, marami raw ang tumatawag sa kanyang “bano” at “ham actor”, meaning hindi raw talaga siya marunong umarte.
View this post on Instagram
“Well, dati, nu’ng tinatawag akong hindi ako marunong umarte, ganu’n, parang hindi pa rin talaga nagsi-sink in. Di pa rin talaga maayos. Parang sabi ko, ‘Ganu’n lang.’ Parang hindi ko siya sinasapuso.
“Well, mas napipikon ako na parang, ‘Bakit na naman? Ano na namang ginawa ko?’ Ganu’n. Pero ngayon, nang nari-realize ko ngayon, na may pagkukulang din kasi talaga, hindi ko rin talaga siya masyadong isinapuso,” pag-amin ng aktor.
Patuloy pa niya, “Ang sarap sa feeling nu’n kasi, 15 years dito sa business, first time kong makarinig ng ganu’n na talaga sa acting. Kasi dati sa singing, sa rampa-rampa, sa acting, sarap sa feeling.”
Ayon kay Derrick, kapag nakakabasa at nakakarinig siya ng panlalait sa acting niya, idinadaan na lang daw niya sa pagandahan ng katawan. Pero nagbago raw ang pananaw niya nang dahil sa impluwensiya ng kanyang partner na si Elle Villanueva.
View this post on Instagram
“Yes, because of her. Siguro ano lang, tinuturuan lang niya ako ng tamang values kung paano kami sa relationship. At nag-reflect yan sa trabaho, kung paano ako mag-handle ng isang relationship.
“Tapos, natuto akong makinig, pinakinggan ko talaga siya. Kapag meron siyang pagbabago sa boses, pag may pagbabago siya sa mata, nakikita ko yan.
“Parang, ‘Okay ka lang? Ano nangyari?’ So, nagiging mas sensitive ko. Nag-reflect lang siya. Parang natural nangyari. Hindi na workshops,” paliwanag pa niya.
Feeling niya nag-mature na talaga siya hindi lang sa pag-arte kundi sa buong pagkatao niya, “Parang ganu’n. Sobra, dati laru-laro, babae.
“Pero sabi nga nila, ‘Kung gusto mong umahon sa buhay mo, it only takes one good woman,’ na ganu’n. Yan yung parang sabi ng mga billionaire kung paano sila yumaman, isang babae na ganu’n,: aniya pa.
Sa tanong kung si Elle na ba ang kanyang “the one” at “forever”, “One hundred percent. One million percent. Sure na, sure na, sure na.”
Dinenay naman ni Derrick na live-in na sila ni Elle, “Minsan sleepovers lang at legal naman. Kasi, tagal na rin po namin. Three years na rin po kami. So, parang pinu-prove ko naman sa family niya na worthy ako.”
Samantala, magsisimula na ang “SLAY” ngayong gabi, March 24, sa GMA Prime, 9:25 p.m. Napapanood din ito sa streaming app na Viu. Ito’y mula sa direksyon nina Rod Marmol at Jules Katanyag.
Kasama rin sa cast sina Bernard Palanca, James Blanco, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Tina Paner, at Matet de Leon. Ka-join din sa serye ang mga Sparkle artist na sina Nikki Co, Gil Cuerva, at Jay Ortega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.