Derrick Monasterio diretsahang tinanong ni Boy Abunda: ‘Are you gay?’
TINUKDUKAN na ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kanyang sexual preference.
Diretsahan na siyang tinanong sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, January 2, 2024, kung straight ba siya o bading.
Kasama ni Derrick na nag-guest sa talkshow ni Tito Boy ang kanyang girlfriend na si Elle Villanueva para sa promo ng bago nilang Kapuso serye na “Makiling.”
“I’d like to ask this with respect…first, I’d like to be able to ask you this, I mean in the context of malinis lamang itong speculation because there is nothing wrong with being gay.
“Yes or No, are you gay?” ang tanong ni Tito Boy kay Derrick.
“No,” ang diretsahang sagot ng Kapuso actor.
Baka Bet Mo: Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’
Sunod na question ng TV host kay Derrick, nababahala o napipikon ba siya sa mga nagsasabing bading siya.
View this post on Instagram
“Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla e, wala namang masama doon. ‘Di naman siya nakakaasar.
“Siguro kailangan mas maging open-minded na ang mga tao ngayon Tito Boy.
“Hindi okay kapag gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit kasi there’s no such things e, illusion lang siya,” aniya pa.
Reaksyon naman ni Tito Boy sa tugon ni Derrick, “You have my respect. Salamat, for saying that.”
Samantala, simula sa January 8 ay mapapanood na sina Derrick at si Elle sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Makiling.”
Ka-join din dito sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Claire Castro at Teejay Marquez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.