Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa 'Return To Paradise' | Bandera

Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Ervin Santiago |July 31,2022
facebook
share this

Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 07:13 AM

Derrick Monasterio at Elle Villanueva

IKAGUGULAT ng mga Kapuso viewers ang mga pasabog na hot and steamy love scenes nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa upcoming Kapuso series na “Return To Paradise”.

Siniguro ng binansagang “hottest new young couple” na hindi lang ang magandang kuwento at tema ng kanilang teleserye ang magugustuhan ng manonood kundi ang mga intimate scenes na pinaghirapan nila nang bonggang-bongga.

Ayon kina Derrick at Elle, malaki ang naitulong ng ginawa nilang acting workshop bago nagsimula ang kanilang lock-in taping para sa serye dahil naging komportable na sila sa isa’t isa.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Return To Paradise”, sinabi ni Derrick na hindi na sila nailang ni Elle sa kanilang mga halikan at sexy scenes sa bagong afternoon drama series ng GMA na magsisimula na sa Aug. 1.

Nabanggit din niya na matagal na siyang follower ni Elle sa Instagram, “Before kami magkita personally, pina-follow ko na siya sa Instagram. Nakikita ko siya sa social media tapos hanggang sa nag-workshop na kami.

“Sinabi ko sa kanya, ‘Wow, alam mo mas maganda ka in person.’ I find her mysterious too. Parang suplada siya kasi, yung vibe ni Elle.

“Ewan ko siguro chill lang ako kaya kami nag-connect. Mabilis naming na-trust yung isa’t isa,” sey ni Derrick.

Sabi pa ni Derrick nang malaman niyang sila ni Elle ang bibida sa “Return To Paradise, “I was quite surprised pero sobrang saya ko and I immediately prayed at nagpasalamat ako kay Lord for this big opportunity. Of course, I also want to thank GMA management for this great project.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


“And masaya ako working with Ellr kasi sa workshops pa lang, nag-click agad kami. Magaan siyang kasama at naging magkatropa kami agad sa lock in location shoot namin sa island,” aniya pa.

“Yes, medyo sexy ang series namin and I hope the viewers will enjoy the scenes where we show some skin. But more than that the sexy scenes, we are optimistic that viewers will appreciate the beautiful story involving us as star-crossed lovers whose relationship will be tested by many obstacles thrown our way,” dagdag ng aktor.

Pahayag naman ni Elle, malaking tulong ang acting workshop nila ni Derrick para mas maintindihan ang kanyang role. Nawala rin daw ang awkwardness sa pagitan nila ng aktor nang kunan na ang mga love  scene nila sa isang isla.

“Grateful po ako na si Derrick yung leading man ko sa unang teleserye ko. Dahil sa kanya, napadali rin yung trabaho. Pagdating sa eksena, akala ko mahihirapan ako, pero dahil sa kanya, napadali,” payahag ng dalaga.

Pero aminado siya na inatake rin sita ng matinding kaba bago kinunan ang kissing scenes at love scenes nila ni Derrick.

Samantala, inamin din ni Elle na iba ang unang impresyon niya kay Derrick at habang tumatagal daw ang pagsasama nila ay napatunayan niyang maalaga, professional, mabait at gentleman binata.

“Nu’ng nagkasakit ako, kahit outside work na, inaalagaan pa niya ako. Tsine-check niya kung okay na ako. Nagpapadala siya ng something.

“Genuine lang talaga. Open siya sa secrets niya, sa napi-feel niya, kaya nagustuhan ko rin talaga siya,” sabi ng Kapuso star.

Mapapanood na ang “Return to Paradise” sa GMA Afternoon Prime ngayong araw, August 1, 3:25 p.m. na siyang papalot sa hit Kapuso drama na “Raising Mamay”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa serye sina Allen Dizon, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis at ang nagbabalik-Kapuso na si Eula Valdez.

Derrick gustong maging katulad ni Hidilyn Diaz; super idol si Richard Gomez

Derrick Monasterio mas handa nang sumabak sa matitinding role dahil sa pa-workshop ni Ana Feleo

Pagkakaiba ng Pinoy at Hollywood actors nakita sa filming ng ‘Almost Paradise’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending