Betong ikinumpara ang sugal sa pag-ibig: Pwedeng manalo pwedeng matalo

Betong Sumaya, Petite, Negi at Jay Sabale
DUMEPENSA ang Kapuso comedian at host na si Betong Sumaya sa mga celebrities na sumusuporta sa mga entertainment online games.
Wala siyang nakikitang masama sa pag-eendorso ng mga artista at kilalang personalidad sa mga nauuso ngayong online games, basta ang mahalaga ay ang palaging isaisip ang pagiging responsible player.
“Maging responsable lang sa paglalaro. Hindi naman porke nandito kami ay para i-encourage sila maglaro,” ang paalala ni Betong sa media launch ng “Ultimate 100 Cars Giveaway” promo ng Playtime kamakailan.
Isa si Betong sa mga naging celebrity guest sa pagdiriwang ng Playtime matapos makakuha ng milyun-milyong followers sa kanilang Facebook page.
Ani Betong naroon sila para makisaya sa tagumpay na nakamit ng brand, “And we’re helping them to promote iyong kanilang epic news na 100 brand new cars basta siyempre with four easy steps lang na napakadaling gawin.
“So sana matulungan natin sila na umabot ng 50 million. Kasi kapag nag-50 million likes and followers eh, 100 brand new cars ang ipamimigay nila,” sey ni Betong.
Hindi naman itinanggi ni Betong na naglalaro tlalaga siya, “Ano lang occasionally. ‘Yung pampatanggal lang ng stress. Kasi siyempre kapag ganito maging responsible ka.
View this post on Instagram
“Mahirap din siyempre na ma-hook ka nang ma-hook. At siyempre kailangan balanse,” paalala niya.
Payo ni Betong sa mga magda-download, “Kailangan talagang maging responsible. Alam mo na may limit ka lang. Kung hanggang dito lang ‘wag nang mag-cash in nang mag-cash in. Kasi baka wala ka nang ma cash out. Ano na iyan stress na makukuha mo. maging responsible talaga tayo.”
Sa mga artistang bina-bash sa pagpo-promote ng ganitong games, ito lang ang masasabi ni Betong, “Sa akin hindi naman issue, magandang way din ito para sabihin namin na lahat naman tayo one way or another nakapaglaro. Pero may kakabit itong mensahe na ‘be responsible!’
“In our own way na masabi namin na, we’re not encouraging na maglaro pero be responsible. Kasi kahit ano rin naman ang gawin natin kung maglalaro at maglalaro, nasa kanila iyon.
“So for me this is one way din para sabihin na it’s okey pero be responsible. Mahirap kapag na-hook nang na-hook. At kapag wala kang pera, ‘wag kang maglaro. ‘Yung mangungutang,” aniya pa.
Bukod kay Betong, naroon din ang mga celebrity guests na sina Liezel Lopez, Alethea Ambrosio, Monique Vasquez, Prince Clemente, Sam Acosta, Binibining Playtime, Petite, Cheska Fausto, Negi, Betong, at Migs Villasis.
Pahayag naman ni Jay Sabale, Senior PR Manager ng naturang online game, “We owe its success to its incredible and ever-growing community. This giveaway is our way of saying ‘thank you’ to those who have supported us and made our journey special. As our community grows, more fun, interactive and engaging games await our customers .”
Samantala, natanong naman namin si Betong kung masasabi rin ba niyang parang sugal din ang pag-ibig, “Ay oo! Parang sugal talaga ang pag-ibig. Pwede kang manalo pwede kang matalo. Mamumuhunan ka rin kasi sa pag-ibig, ‘yung feelings mo at iyong ipinuhunan mo mabalewala.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.