Betong tinawagan ang basher na nagsabing 'Wala kang kuwenta!'

Betong tinawagan ang basher matapos sabihang ‘Wala kang kuwenta!’

Ervin Santiago - November 27, 2024 - 06:10 AM

Betong tinawagan ang basher matapos sabihang 'Wala kang kuwenta!'

Chariz Solomon at Betong Sumaya

NAKAKALOKA! Talagang tinawagan ng Kapuso host-comedian na si Betong Sumaya ang isa niyang basher na kung anu-anong masasakit na salita ang ipino-post sa social media.

Isa si Betong sa mga GMA talents na sa kabila ng kabaitan at pagiging magiliw sa mga tao ay pinuputakti pa rin ng mga haters at bashers.

Kahit wala siyang ginagawang masama at puro pampa-good vibes na nga ang laman ng kanyang socmed accounts ay may mga tao pa rin ang nangnenega sa kanya.

Sa guesting ni Betong kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kaibigan at kapwa GMA artist ay napag-usapan nga ang mga naging experience nila sa online bashing.

Baka Bet Mo: Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na ‘fake news’: We both agreed na hindi kami magpapaapekto

Shookt si Tito Boy sa kuwento ni Betong na may basher siyang tinawagan matapos mabasa ang pambabasag nito sa kanya sa socmed.

Nangyari raw ito habang nasa GMA musical variety show siya na “All-Out Sundays.” Talaga raw binato siya ng masasakit na komento online.

“During All-Out Sundays po iyon before so lahat po kami parang shoot from home. So may isang segment na talagang ayaw na ayaw ng isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alberto S. Sumaya Jr. (@amazingbetong)


“Tapos sinabi parang, ‘Wala kang kwenta. Hindi ka nakakatulong sa ratings. Wala kang karapatan sa AOS.’ Parang ganu’n,” pagbabahagi ni Betong.

Biro ng komedyante, nagawa raw niya iyon dahil gutom na gutom na siya.

“Tumawag talaga ako Tito Boy, tapos sinabi ko, ‘Salamat po sa comment mo. Tinatanggap ko ‘yung comment mo pero tanggapin mo rin ‘yung comment ko.’

“Sabi ko, ‘Trabaho lang ito. Ginagawa lang namin ito kasi work ito at kailangan namin magkaroon ng income,'” aniya pa na malumanay ang boses.

Sa halip daw na makipag-usap ito ng mahinahon ay nagalit pa ang basher at sinabihan siya ng, “Wala ka kasing kuwenta!”

Binasa raw ni Betong ang message ng basher sa kanilang chat at nadiskubre niya na humingi pala ito noon ng birthday video message para sa kanyang anak.

“So sinabi ko, ‘Akala ko ba mabait ka, nagpa-video greet ka pa sa akin dati. Ano’ng nangyari sa iyo?’

“Sabi niya, ‘Uhm, pasensya ka na din.’ Bigla siyang kumalma. Nagsabi naman siya ng, ‘Pasensya ka na. Gusto ko lang kasi sabihin ‘yung nararamdaman ko,'” pagbabalik-tanaw ng komedyante at TV host.

Samantala, ibinahagi rin ni  Chariz Solomon ang naging karanasan sa isang basher na talagang sinagot niya dahil pati ang kanyang panganay na anak ay dinamay na.

Hinanap daw talaga niya ang Facebook account ng basher at dito napag-alaman niyang isa pala itong bagong nanay.

Hindi na raw binengga at sinabihan ng masasakit na salita ni Chariz ang naturang netizen at ang tanging nasabi na lang niya ay, “God bless your child.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkasama sina Betong at Chariz sa longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang” na nagse-celebrate na ngayon ng kanilang 29th anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending