Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na 'fake news': We both agreed na hindi kami magpapaapekto | Bandera

Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na ‘fake news’: We both agreed na hindi kami magpapaapekto

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na ‘fake news’: We both agreed na hindi kami magpapaapekto

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 08:03 AM

Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na 'fake news': We both agreed na hindi kami magpapaapekto

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

DEPENDE pa rin sa script at magiging availability ng schedule nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kung matutuloy na nga ang kanilang reunion movie sa pagpasok ng 2023.

Yan ang nabanggit ng Kapuso actress nang tanungin siya tungkol sa sinabi umano ni Lloydie na “fake news” ang balitang pinaplano na ang bago nilang movie together.

Nitong mga nakaraang araw, may lumabas na chika na nagsalita raw si John Lloyd na hindi totoo ang naging pahayag ni Bea gagawa nga sila uli ng pelikula under Star Cinema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa panayam ng “24 Oras”, nilinaw ni Bea ang nasabing issue kung saan pinalalabas ngang nagsisinungaling siya about their reunion project dahil itinanggi nga raw ito ni Lloydie.

Agad daw niyang tinawagan si John Lloyd hinggil dito, “Siyempre tinawagan ko siya agad. Tutal magkaibigan naman kami, tinawagan ko siya and he denied that he said that.”

Aniya pa, “We both agree na hindi kami magpapaapekto sa kung ano-ano man (intriga at tsismis).”

Nauna nang sinabi ni Bea na pagkatapos ng Kapuso primetime series nila ni Alden Richards sa GMA 7 na “Start-Up PH” ay gagawa uli siya ng pelikula.

At isa nga sa mga gusto niya ay ang reunion movie nila ni John Lloyd pero paglilinaw niya, “Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa.

“Kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it,” pahayag ni Bea sa isa niyang interview.

Dagdag pa niya, “It’s very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala ‘yung interes nila sa amin.”

May mga nakalinya pang mga pelikula si Bea under GMA Pictures, Reality MM Studios at Viva Films. Kaya naman ang sabi ni Bea grabe ang blessings na natanggap niya ngayong 2022 na tatagal pa nga hanggang 2023.

‘Big blessing’ para kay Bea ang pagiging Kapuso; makatambal kaya uli si John Lloyd sa GMA?

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo game na game na sa reunion project nila ni John Lloyd Cruz: Pero depende pa rin iyan kung…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending