Bea Alonzo game na game na sa reunion project nila ni John Lloyd Cruz: Pero depende pa rin iyan kung... | Bandera

Bea Alonzo game na game na sa reunion project nila ni John Lloyd Cruz: Pero depende pa rin iyan kung…

Ervin Santiago |May 16,2022
facebook
share this

Bea Alonzo game na game na sa reunion project nila ni John Lloyd Cruz: Pero depende pa rin iyan kung…

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 07:35 AM

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga loyal fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa muling pagsasama nila sa isang teleserye o pelikula.

Marami ang na-excite sa sinabi ni Bea na hindi imposibleng magkaroon sila ni John Lloyd ng reunion project na matagal na rin nilang gustong mangyari.

Mismong ang Kapuso leading lady na ang nagsabi na dream talaga nila ni Lloydie na makagawa uli ng proyekto lalo na nga ngayong magkasama na sila sa GMA 7.

Ayon kay Bea, maghintay lamang ang mga supporters nila ni Lloydie kapag natapos na ang taping nila ni Alden Richards sa first teleserye niya sa GMA 7 na “Start-Up”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Kung magtutugma raw ang schedule nila ng Box-Office King ay  malaki ang posibilidad na matuloy ang kanilang dream reunion project.

“Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it,” masayang pahayag ni Bea sa panayam ng “24 Oras.”

Chika pa ng aktres, “It’s very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala ‘yung interes nila sa amin.”

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Bea sa lahat ng kanyang YouTube subscribers dahil umabot na sa 100 episodes ang kaniyang vlog, na sinimulan niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“This is very meaningful to me kasi personally minsan lang ako nakagagawa ng mga bagay consistently. And I’m very proud that I was able to do this,” aniya.

Ibinahagi rin ng dalaga ang naganap na event kamakailan kung saan nakasama niya ang ilan niyang fans sa panonood ng kanyang vlogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro ‘yun ‘yung mas pinakamalaking nagawa sa akin nitong vlog. Like nagkaroon ako ng mas malalim na connection and friendship with my fans,” chika pa ni Bea.

‘Big blessing’ para kay Bea ang pagiging Kapuso; makatambal kaya uli si John Lloyd sa GMA?

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Bea hindi pa rin napapatawad si Gerald; ayaw nang ma-pressure kung kailan magpapakasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending