Derrick Monasterio dream come true ang magkaroon ng fitness center: It aims to change lives!
NAGBUKAS ng negosyo ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio!
Ito ang kanyang passion project na kung saan ay nagtayo siya ng sariling fitness center sa Marikina City.
“Today marks the opening of my passion project,” wika niya sa isang Instagram post kalakip ang ilang litrato ng mga kaganapan sa kanyang gym.
Masaya ring sinabi ng aktor na natupad ang dati pa niyang pinapangarap.
Caption niya, “Ever since I started my fitness journey, I’ve always envisioned having my own facility and sharing my knowledge and passion to people.”
Nabanggit din niya sa IG post na ang target niya ay makatulong sa mga taong nais baguhin ang kanilang buhay pagdating sa physical at mental wellness.
“Our vision for this facility aims to change lives and improve people physically and mentally as well.”
Baka Bet Mo: Derrick gustong maging katulad ni Hidilyn Diaz; super idol si Richard Gomez
View this post on Instagram
Natuwa naman ang ilang netizens at kapwa-artista sa bagong milestone ni Derrick na kung saan ay nagpaabot sila ng “congratulatory” messages.
“Graaaaats pogiii. Dalaw me soon,” komento ng aktor na si Kristoffer Martin.
Reply naman sa kanya ni Derrick, “taraa naaa.”
“Noice noice noiceeee,” sey naman ng aktres na si Bea Binene.
Lahad naman ng aktres na si Elle Villanueva, “Wuhoooo [red heart emoji].”
Sa kabila ng bagong negosyo ng aktor, magiging abala rin siya sa kanyang upcoming GMA serye na pinamagatang “Makiling.”
Tungkol ito sa dalawang childhood friends na lumaki sa paanan ng bundok ng Makiling.
Tampok din sa teleserye sina Elle, Kristoffer, Myrtle Sarrosa, at Thea Tolentino.
Related Chika:
Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.