Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin
HINDI na iniisip nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva ang kanilang mga itsura habang kinukunan ang mga sex scenes nila sa Kapuso series na “Return To Paradise.”
Nagbahagi ang Kapuso actor sa mga manonood kung paano nila ginagawa ni Elle ang mga love scenes nila sa hit afternoon series ng GMA na talagang inaabangan at sinusubaybayan ng kanilang supporters.
Derrick is playing the role of Red Ramos in the series habang si Elle naman ay gumaganap bilang si Eden Santa Maria.
Kuwento ng hunk actor, iniisip nila ni Elle ang emosyon at pinagdaraanan ng kanilang mga karakter kapag kinukunan ang kanilang intimate scenes.
“Kami kasi ni Elle, when we do sexy scenes, we don’t think of what we’re going to look like, we think of the emotion and the journey of the character kasi ‘yun ‘yung pinakaimportante for us.
“Kung ano ‘yung mapi-feel namin as Red and Yenyen habang ginagawa namin ‘yung scene,” ang pagbabahagi ng aktor sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel.”
Dugtong ng binata, “Hindi namin naiisip na kailangan ganito ‘yung angle ng face, kailangan ganito ‘yung ano para mas mukha siyang sexy. Kung ano ‘yung napi-feel namin deep inside, nilalabas lang namin sa isa’t isa.”
Natanong din ni Pia kung paano binabalanse ng magka-loveteam ang paggawa ng mga sexy scenes para sa isang daytime TV series.
View this post on Instagram
Sabi ni Elle, “wholesome” pa rin naman daw ang role niya sa programa kahit nagpapa-sexy siya, “’Yung sa role ko po kasi, she’s not sexy. I mean, not in way na dapat seductive kasi wholesome pa rin ‘yung character ko.
“Medyo nababalanse siguro dahil din do’n. Hindi siya todo bigay, but there’s these steamy scenes na ginawa namin sa isla at gagawin pa,” paliwanag ng aktres.
In fairness, talagang hindi bumibitiw ang fans nina Derrick at Elle sa pagsubaybay sa kanilang teleserye lalo na ang mga beking nagpapantasya sa Kapuso hunk.
May mga nabasa pa nga kaming comments mula sa mga gay fans ni Derrick na mag-iipon daw talaga sila para maalok nila si Derrick ng one-night stand dahil gustung-gusto raw nilang matikman ang yummy Kapuso hunk.
Napapanood pa rin ang “Return To Paradise” Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m, sa GMA Afternoon Prime.
https://bandera.inquirer.net/320107/derrick-monasterio-elle-villanueva-parehong-palaban-sa-hubaran-magpapainit-sa-return-to-paradise
https://bandera.inquirer.net/320416/pagpasok-noon-ni-elle-villanueva-sa-showbiz-hinarang-noon-ko-pa-gustong-mag-artista-but-my-parents-are-strict
https://bandera.inquirer.net/320938/gma-7-naka-jackpot-sa-hot-na-hot-na-loveteam-nina-derrick-at-elle-sanya-tuloy-ang-laban-kontra-bullying
https://bandera.inquirer.net/291737/derrick-gustong-maging-katulad-ni-hidilyn-diaz-super-idol-si-richard-gomez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.