Derrick dream come true maka-go sa Showtime: Parang panaginip

Derrick dream come true maka-go sa Showtime: Parang panaginip!

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Derrick dream come true maka-go sa Showtime: Parang panaginip!

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 08:10 AM

Derrick dream come true maka-go sa Showtime: Parang panaginip!

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

EMOSYONAL ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio nang makatungtong sa stage ng “It’s Showtime.”

Kahapon, ang “Makiling” lead actor ang naging special guest sa Kapamilya noontime show na napapanood na nga ngayon sa GTV at GMA 7.

Baka Bet Mo: Rica emosyonal nang bumalik sa ABS-CBN building: It reminded me today of how I never wanted to be popular…

Inalala ni Derrick ang panahong nagtutungo pa siya sa ABS-CBN noong kanyang kabataan para um-attend ng acting workshop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


Sa pagkakatanda niya, 14 years old daw siya nang mag-workshop sa Kapamilya Network, “Nakaka-miss din pala ang ABS-CBN hallways kasi nu’ng bata ako, dito ako nagwo-workshop.”

Aniya pa, dream come true raw para sa kanya ang makapag-guest sa naturang noontime show na nagsimula na ring umere sa GMA 7 last Saturday, April 6.

“Grabe, parang panaginip kasi honestly dati pinapanood ko lang talaga ‘yung ‘Showtime’ lalo na kapag lumalabas sa Facebook. Favorite ko ‘yung Tawag Ng Tanghalan, ang ganda,” pahayag ng boyfriend at leading man ni Elle Villanueva sa “Makiling.”

Baka Bet Mo: Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke!

Kasama pa rin sa 14th year ng “It’s Showtime” sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, at Cianne Dominguez.

Samantala, marami na namang mga haka-haka ang tiyak na masasagot sa mas tumitinding mga kaganapan at rebelasyon sa pambansang revenge drama ng Pilipino — ang “Makiling.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


Sa unti-unting pagbabalik ng nakaraan kay Amira (Elle Villanueva), maraming mga sikreto ang patuloy na gumigimbal sa kanya.

Muli niyang makahaharap si Santi (Ian De Leon) na todo ang galit sa kanya dahil sa pagkamatay ng anak niyang si Ren (Royce Cabrera).

At sa kanilang mga engkwentro, maraming mga sikreto ang mailalantad — gaya na lamang ng tungkol sa anak ni Amira.

Siyempre, hindi rin pahuhuli sa eksena si Portia (Myrtle Sarrosa) na gigil pa rin sa pagganti at pagpapahirap kay Amira. For sure, magiging sanhi na naman siya ng pagka-highblood ng viewers sa mga susunod na araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Handa ka na bang malaman ang mga sikreto ng nakaraan? Tutok lang sa mga kaabang-abang na eksena sa “Makiling”, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending