Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke! | Bandera

Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke!

Ervin Santiago |March 17,2022
facebook
share this

Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke!

Ervin Santiago - March 17, 2022 - 02:45 PM

Ellen Adarna matapang na nag-topless sa mirror selfie

Ellen Adarna

“NAGLOKO si Derek Ramsay kay Ellen Adarna at ako ang third party!” Yan daw ang bonggang eksena sa panaginip ng isang netizen.

Ikinuwento ito ng follower ni Ellen sa pamamagitan ng pagpo-post sa comment section ng isang Instagram post ng sexy actress last Monday, March 14.

May ibinahagi kasi ang misis ni Derek sa IG na isang video kung saan mapapanood ang isang “intelligent student” mula sa ibang bansa habang binabasa ang mga bansang nakasulat sa blackboard.

Bukod sa Japan, Brazil at Canada, nakasulat din sa blackboard ang Philippines na ang basa ng estudyante ay “Pilipinpines.”

Super laugh naman sina Ellen at Derek sa pinapanood. Nilagyan pa ng aktres ng caption ang video ng, “This is danggggarus (laughing emojis).”

Isang IG user nga ang nag-comment sa nasabing video at sinabing napanaginipan daw niya na niloko ni Derek si Ellen at siya raw ang third party.

“Napanaginipan ko c Derek at ellen…nag cheat daw c Derek kay Ellen at ako ung third party LOL (laughing emoji).

“Nahiya naman sa beauty ko LOL. (laughing emojis) Ako pa talaga…jusmiyo!!! (laughing emojis). Galit na galit sakin c Ellen. Sorry Ellen ha, panaginip lang un (laughing emoji),” ang chika pa ng netizen.

Hirit naman ni Ellen, kung magkakaroon daw ng part 2 ang panaginip ng netizen baka raw patay na ito sa kuwento.

“Baka pagtulog mo mamaya may part 2 panaginip, patay kana sa panaginip mo (laughing emojis).  lololol! Joke (laughing emojis),” birong sagot ng aktres.

Humirit pa uli ang netizen at sinabing tawang-tawa raw talaga siya sa kanyang panaginip dahil may eksenang dinuro-duro pa siya ni Ellen.

“Hahaha agik ik jud nako pagkabuntag…gitudlo2x kuno ko nimo oi lol (lauging emoji).

“Kaatay atong damguha lamina (buwisit na panaginip yun). mamaya baka mapanaginipan ko ulit…layuan ko na c Derek pramis (lauging emoji),” pahabol pa ng netizen. Pero hindi na nag-reply sa kanya si Ellen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Samantala, pinainit na naman ng hot mama ang social media matapos itong mag-post ng kanyang topless photon sa Instagram.

Ngayong araw, ibinahagi ni Ellen ang kanyang mirror selfie kung saan wala siyang saplot sa katawan at sapu-sapo ng isang kamay dalawa niyang boobs.

“5th day progress on @xmealph once a day meal replacement diet,” ang maikling caption na inilagay niya sa kanyang litrato. Dagdag niyang chika, “trying to balance out everything I ate when I was on vacation.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos naman ang fire emojis sa IG post ni Ellen at halos lahat ay napa-wow sa kanyang kaseksihan kahit na nga meron na siyang anak.

Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan!

Kris Aquino may request sa mga taga-suporta: Can you use yellow hearts?

Nikko na-bash dahil sa Squid Game paandar; Vice may hugot sa ‘kutsilyo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending