Derrick Monasterio, Elle Villanueva nagyayakapan, nagsasabihan ng 'I love you' pero hindi pa magdyowa; 'Return To Paradise' pasabog ang ending | Bandera

Derrick Monasterio, Elle Villanueva nagyayakapan, nagsasabihan ng ‘I love you’ pero hindi pa magdyowa; ‘Return To Paradise’ pasabog ang ending

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Derrick Monasterio, Elle Villanueva nagyayakapan, nagsasabihan ng ‘I love you’ pero hindi pa magdyowa; ‘Return To Paradise’ pasabog ang ending

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 02:04 PM

Derrick Monasterio nagyayakapan, nagsasabihan ng 'I love you' pero hindi pa magdyowa; 'Return To Paradise' pasabog ang ending

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

“MORE than friends, pero walang label.” Ganyan inilarawan ng Kapuso hunk actor at singer na si Derrick Monasterio ang relasyon nila ngayon ni Elle Villanueva.

Ipinagdiinan ng binata na hindi pang-promo lang para sa afternoon teleserye nilang “Return to Paradise” ng GMA 7 ang nakikita ng publiko sa pagitan nila ng kanyang leading lady.

Ayon kay Derrick, totoong love raw niya si Elle at talagang ipinararamdam niya ito sa kanyan ka-loveteam kapag magkasama silang dalawa at kahit saan sila naroroon.

Sa finale presscon ng “Return to Paradise” kamakailan, nagpaliwanag sina Derrick at Elle kung bakit hindi nila maibandera ang tunay na estado ng kanilang relationship.

Ayon sa aktor, sobrang close na raw talaga sila ni Elle dahil bukod sa kilalang-kilala na nila ang isa’t isa ay nagsasabihan din sila ng kanilang mga sikreto sa buhay.

“Kahit paano, marami akong alam sa personal life niya. Parang minsan kahit wala sa script yung mga lines, sinasabi ko para ma-trigger ko siya, para gumana sa kanya.

“Tapos, marami rin siyang alam sa buhay ko, gaganti rin na kami lang ang dalawang nakakaalam. Hindi alam ng director na may nangyayaring personalan. May process kami kumbaga,” paliwanag ni Derrick.

At kahit daw hindi pa sila magdyowa ay totoong nagyayakapan sila kapag naglalambingan at nagsasabihan din ng “I love you” sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


“Ganu’n lang talaga kami ka-close na parang kami talaga. Kasi comfy talaga kami sa isa’t isa. Hindi kami naiilang kahit saan kami hawakan sa isa’t isa, like true friends.

“Malambing din kasi akong tao. Sobrang touchy kong tao, like yayakapin ko lang parati, mga ganun. Gusto ko lang siyang lambingin, habang naghihintay ng take, ganyan.

“More than friends, I say. Sobrang special talaga sa akin si Elle, e. Pero yung relationship kasi namin wala kaming label na ganito kami. Pero yung napi-feel namin towards each other, at least, ako love ko talaga siya.

“At lagi ko namang sinasabi sa kanya like randomly sabihin ko sa kanya ‘love you’ ganyan, kasi love ko talaga siya.

“Nagla-love you din siya sa akin. Hindi naman ibig sabihin na boyfriend-girlfriend kayo,” chika pa ni Derrick.

Sabi naman ni Elle, mas mabuti na raw yung ganu’ng set-up para mas mabigyan pa rin nila ng focus at panahon ang kanilang showbiz career. Pero hiling ni Elle, sana raw ay huwag siyang lolokohin ni Derrick.

“Nu’ng una, nagugulat ako kasi sobrang open ni Derrick sa akin. Sobrang appreciative niya sa akin. Na-overwhelm ako nung una. Na-appreciate ko siya, kasi he’s just super gentlemanly with me.

“All I ever asked from him is to be transparent and huwag ako lolokohin o bobolahin. Basta everything, sa work, sa personal life, kung ano mang pambobola na ginagawa niya, basta huwag ako.

“Sabi ko, just be genuine with me and then we’re gonna have very harmonious relationship,” lahad pa ni Elle.

Sey pa ni Derrick, hindi naman niya minamadali si Elle na pumasok sa isang seryosong relasyon lalo pa’t kabi-break lang din nila ng dati niyang girlfriend.

“Kung bibigyan ako ng chance. Kapag ready na kaming dalawa. Kabi-break ko lang din naman e, several months ago. So siyempre alam mo yun, parang gusto ko muna ng time sa sarili ko rin, saka gusto ko lang din mag-focus sa work,” sey ni Derrick.

“Luckily, siya yung ka loveteam ko. Sobrang naging okay ang relationship namin ngayon. Hindi naman namin hinahanap yung boyfriend-girlfriend. But yun nga sabi namin, we’re not closing any doors,” pahayag naman ni Elle.

Samantala, sa huling linggo ng “Return To Paradise” napakarami pang pasabog na rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood.

Malaman na kaya nina Red (Derrick Monasterio) at Eden (Elle Villanueva) ang tunay na nangyari sa kanilang sanggol? Matatandaan na napaniwala ni Rina ang dalawa nang sabihin niya na namatay ang kanilang anak matapos itong isilang ni Eden.

Bukod dito, magkakaroon kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Red at Eden?

“Marami pa silang dapat i-e-expect. May mga characters na mawawala, may mga characters na magbabago ng character, magkakaroon ng mga reconciliation.

“Napakaraming big moments na mangyayari tapos magiging maaksyon na rin siya,” promise ni Derrick.

Sey naman ni Elle, “So many twists in this story and hindi mo akalain na mangyayari ‘tong magaganap dito sa finale, and hindi mo alam kung magiging happy ending ba or bittersweet.”

Tutukan ang finale week ng Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Kasama pa rin dito sina Eula Valdez, Teresa Loyzaga at marami pang iba.

Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin

Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa’t isa: Ine-enjoy lang namin ang moment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending