Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko | Bandera

Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 08:08 AM

Derrick Monasterio at Elle Villanueva

UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala ang bagong Kapuso bombshell na si Elle Villanueva na bida na siya sa bagong serye ng GMA 7, ang pampainit sa hapon na “Return To Paradise”.

Sa dami ng mga female stars ng Kapuso Network ay siya nga ang napili na maging leading lady ng hunk singer-actor na si Derrick Monasterio sa nasabing sexy-drama series.

“This is my biggest break and I am so grateful na ako ang napili nila to play the role of Eden Sta. Maria, the love interest of Derrick as Red Ramos in ‘Return to Paradise,’” simulang pahayag ni Elle sa virtual mediacon ng kanilang programa.

Dugtong pa niya, “Noon ko pa gusto mag-artista but my parents are strict and they wanted me to finish college first before I get into showbiz kasi they think acting has a lot of risks at hindi ka sure kung sisikat ka o hindi. So pinagbigyan ko muna sila.”

Sa mga hindi pa aware, nagsimula ang dalaga bilang commercial model at napanood na rin siya sa ilang GMA shows, tulad ng “Magpakailanman” “Tadhana,” “Dear Uge” at “My Fantastic Pag-ibig”.

Tinanong si Elle sa presscon kung kumusta naman si Derrick bilang leading man  “I’m really thankful na siya ang una kong nakapareha in a TV series kasi very friendly siya from the start.

“When we first met, sabi niya, pina-follow na niya ako sa Instagram at mas maganda raw ako sa personal. Then we took some workshops in preparation for our show at nagkaroon kami agad ng connection. Nakuha niya agad ang tiwala ko,” sabi ng aktres.

“Bilang siya ang more experienced between us sa showbiz, talagang inalalayan niya ako. Akala ko noong una, suplado siya, but it turns out mabait talaga siya at maalaga.

“At first, I thought na mahihirapan ako, lalo sa intimate scenes namin sa island where we got marooned after a plane crash. But siya talaga ang nagdala ng aming kissing scenes and love scenes. He made sure na comfortable ako,” dagdag pang chika ni Elle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐸𝐿𝐿𝐸 (@_ellevillanueva)


Super caring and gentleman daw talaga ng aktor, “Kahit hindi naman niya responsibility, inalagaan niya ako. He checks on me to make sure I’m fine. I felt na genuine talaga ang friendship niya. May concern talaga siya sa kapareha niya.”

Samantala, nagpasalamat din siya sa nagbabalik-Kapuso na si Eula Valdes na gumaganap na nanay niya sa “Return To Paradise”.

“Sa story, pinabilanggo siya ni Teresa Loyzaga na hindi ko alam, siya palang mother ni Derrick kaya naging hadlang yun sa relationship namin. Marami kaming dramatic scenes ni Miss Eula kasi she wants me to just forget habang nasa bilangguan siya. Crying scenes talaga ang mga eksena,” aniya.

“She knows na baguhan lang ako so she was very patient with me. She encourages me kapag pinanghihinaan ako ng loob. She’d tell me, ‘kaya mo ‘yan.’

“Just internalize na mabuti ‘yung scene. Without their help ni Derrick, I don’t think magagawa ko nang maayos ang trabaho ko, so thank you talaga sa kanila and to our director,” ani Elle na ang tinutukoy ay si Don Michael Perez.
https://bandera.inquirer.net/320107/derrick-monasterio-elle-villanueva-parehong-palaban-sa-hubaran-magpapainit-sa-return-to-paradise

https://bandera.inquirer.net/320101/hirit-ni-kiray-dapat-p500k-ang-engagement-ring-na-ibibigay-ng-dyowa-may-trabaho-naman-siya-kaya-galingan-niya-no

https://bandera.inquirer.net/320313/eula-sa-paulit-ulit-na-role-bilang-inang-nawawala-ang-anak-walang-maliit-na-role-nasa-yo-na-kung-paano-mo-gagawing-special

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending