Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa't isa: Ine-enjoy lang namin ang moment | Bandera

Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa’t isa: Ine-enjoy lang namin ang moment

Ervin Santiago |October 18,2022
facebook
share this

Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa’t isa: Ine-enjoy lang namin ang moment

Ervin Santiago - October 18, 2022 - 07:43 AM

Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa't isa: Ine-enjoy lang namin ang moment

Derrick Monasterio at Elle Villanueva

HINDI imposibleng ma-in love sa isa’t isa ang Kapuso loveteam na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Iyan ang inamin ng mga bida sa hit Kapuso sexy drama series na “Return To Paradise” matapos magkasama ng ilang buwan sa kanilang lock-in taping.

Mapa-on-cam o off-cam, ramdam na ramdam ang kilig vibes mula sa magka-partner, sa katunayan maraming manonood at mga netizens ang nagwi-wish na sana’y magkatuluyan din sila sa tunay na buhay.

Sa panayam ng “24 Oras”, nagsalita na sina Derrick at Elle tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Dito nga nila nabanggit na pwede naman daw mauwi sa totohanan ang kanilang relasyon kung talagang nakatadhana ito.

“We just enjoy each other’s company and time, and masaya lang kami kapag lumalabas kami kasi gusto namin ‘yung company ng isa’t isa,” ang pahayag ni Derrick.

Pagsang-ayon naman ni Elle, “Go with the flow lang. But then, we’re not closing doors.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elle Villanueva (@_ellevillanueva)


Samantala, napakalaking tulong daw para kina Elle at Derrick ang totoong closeness nila sa mga mabibigat na eksena nila sa “Return To Paradise”. Nagtutulungan din sila sa kanilang intimate scenes.

Isa raw sa gustung-gustong katangian ni Derrick kay Elle ay ang pagiging game nito sa mga collaboration.

“Yung pagiging open niyang tao. She’s really open to collaborating, and we always help each other, especially kapag heavy scenes.

“At saka ibinibigay din niya ‘yung best niya kaya parang ako, nadadala rin ako,” ang chika ni Derrick sa interview ng GMA Network.

Kapag nagkakakuwentuhan nga raw sila off-cam ay naa-amaze siya kay Elle, “Kapag nagsasalita siya minsan, iniisip ko, ‘Grabe naman ‘yung pinagdadaanan nito.’

“Tapos naa-affect din ako. ‘Yun ‘yung pinakanagustuhan ko sa kanya, very open siyang tao and sobrang willing siyang tumulong, makipag-collab,” sey ng binata.

Patuloy na subaybayan ang “Return To Paradise”, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending