Christian Bables bukas sa same-sex relationship: ‘Kung io-open ni God yung heart and mind ko for that, why not?’
NANINIWALA ang award-winning Kapamilya actor na si Christian Bables na walang “gender” ang love at lahat ng tao ay may karapatang magmahal.
Inamin din ng binata na hindi rin daw imposibleng magbukas ang kanyang puso para sa isang same sex relationship.
Sa naganap na presscon para sa bagong pelikula ni Christian, ang “Broken Hearts Trip” na official entry ng BMC Films at Smart Films sa Metro Manila FIlm Festival 2023 ay natanong ang aktor tungkol dito.
Bading uli ang character ni Christian sa movie kaya naman napag-usapan ang gay or same-sex relationship at natanong nga siya kung naniniwala ba siya sa paniniwala ng iba na walang gender ang pag-ibig.
“Walang gender ang love. Ang love ay para sa kahit na kanino. puwede nga siya sa animals, e. I also agree with Direk Andoy (Ranay, kasama niya sa Broken Hearts Trip) that love is for everyone, and for any one.
Baka Bet Mo: Christian Bables never nakipagbardagulan sa bashers, pero apektado ba ang lovelife kapag natsitsismis na bading?
“Ayun yata yung isa sa mga libreng bagay…bagay ba siya? O basta libre dito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal,” paliwanag ni Christian.
View this post on Instagram
Ang sundot na question sa kanya ay kung open ba siya sa posibilidad na pumasok sa same-sex relationship. Ang mabilis na sagot ng binata, “Kung io-open ni God yung heart and mind ko for that, why not?
“Kapag dumating sa punto na kunwari magbukas yung puso ko, yung isip ko sa ganu’ng klaseng pagmamahal, buong-buong puso ko pong tatanggapin yun,” ang pagpapakatotoong sagot ni Christian.
Samantala, naniniwala ang cast members ng naturang MMFF 2023 entry na hindi lang para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang kanilang pelikula. Tiyak daw na makaka-relate sa kuwento ang buong pamilya.
“It’s all about heartbreaks. Universal naman yung kuwento e. Lahat makaka… eto nga, may family pa, e. Si Petite dito, may anak, na meron din siyang sini-save na relationship.
“Ang maganda dito, diverse yung kuwento. Hindi lang basta sa nilokong bading. Hindi lang sa ganu’n, e.
“I would like to commend the writers for writing different types of LGBTQIA, in that community na nagri-represent dito sa kuwento.
“Hindi lang sa straight pumapatol o sa bading din pumapatol. At least ito, maiintindihan pa lalo ng mga tao, lalo na yung mga hindi pa nakakaintindi kung ano yung LGBTQIA.
“Kung ano ito, sino ba ito, sino ba sila, paano ba sila magmahal, it’s the same. Paano sila masaktan, it’s the same, di ba? Tao rin kami,” ang dire-diretsong sey ni Direk Andoy.
Ang “Broken Hearts Trip” ay mula sa direksyon ni Lemuel Lorca kung saan kasama rin sina Iyah Mina, Teejay Marquez, Jaclyn Jose at marani pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.