Christian wasak ang puso sa pagkamatay ni Hope: Biyaya at sumpa

Christian wasak ang puso sa pagkamatay ni Hope: Biyaya at sumpa!

Ervin Santiago - June 18, 2024 - 07:35 AM

Christian wasak ang puso sa pagkamatay ni Hope: Biyaya at sumpa!

Christian Babies at Hope

MARAMING naiyak at na-touch sa open letter ng Kapamilya actor na si Christian Bables para sa pumanaw niyang aso na si Hope.

Sabi ng binata, parang blessing at sumpa raw ang pagdating ng mga alaga niyang aso sa kanyang buhay, na itinuturing niyang parang tunay na mga anak.

Sa kanyang Facebook account, nagbahagi si Christian ng kanyang mensahe para sa namatay na furbaby kung saan sinabi niyang napakasakit para sa kanya ang mawalan na naman ng “anak.”

“Hope, my angel, ang pagiging malaking bahagi mo ng puso ko ay parehong biyaya at sumpa.


“Biyaya ang pitong taon na makita ang mga mata mo na laging puno ng pagmamahal at pag hanga. Ang maramdaman ang init ng hangin na lumalabas sa bibig mo,” simulang pagbabahagi ng premyadong aktor tungkol kay Hope.

Patuloy pa niya, “To feel your sweet kisses, anak. Ang maramdaman ko ang bigat ng katawan at mga paa mo sa tuwing gusto mo akong yakapin.

“At higit sa lahat anak, ang walang sawa mong pag mamahal pagsama mo sa aking bumuo ng mga pangarap,” sabi ng celebrity fur parent.

Hindi raw alam ni Christian ko kung hanggang kailan niya dadalhin ang sakit ng pag-iwan sa kanya ng namatay na aso.

“Kagaya ng sakit na, hanggang ngayon, malalim na iniwan ni Blue, Prada, Kailey, and Ken. Maybe this is the curse of loving you guys so much. Sobrang sakit parang dahan dahan pinupunit yung dibdib ko…

“Kasama ng iilang piniling tanggapin at pangalagaan ang pag mamahal na kaya kong ibigay, masaya akong sa inyo ko binuhos ang puso ko. Hindi nasayang. Nasuklian pa ng sobra sobra,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06)


Sa huli, muling ipinaramdam ni Christian ang abot-langit na pagmamahal niya kay Hope, “Mahal na mahal kita, Hope.

“Sana sa panahong magkita tayo ulit, kung mangyayari man, salubungin niyo ako ng masayang masaya. Ipag dadasal kong mangyari yun. Paalam anak.

“Pasensya na po for this post. Salamat,” ang kabuuang mensahe ni Christian sa pagpanaw ng alagang aso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, naibalita namin ang paglalabas ni Christian ng sama ng loob sa isang crematorium dahil sa pagpapabaya sa labi ni Hope. Nag-demand ang aktor na mag-issue ng public apology ang naturang crematorium.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending