Elle natatakot sa sobrang kabaitan ni Derrick: 'Totoo ba to?'

Elle natatakot sa sobrang kabaitan ni Derrick: ‘Parang…totoo ba to?’

Ervin Santiago |January 11,2024
facebook
share this

Elle natatakot sa sobrang kabaitan ni Derrick: ‘Parang…totoo ba to?’

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 07:35 AM

Elle natatakot sa sobrang kabaitan ni Derrick: 'Parang...totoo ba to?'

Derrick Monasterio at Elle Villanueva

WALANG bahid ng katotohanan ang mga pagdududa at tsismis na nagli-live in na raw ang Kapuso couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Yan ang nilinaw ng Kapuso hunk sa presscon ng bago nilang teleserye ni Elle sa GMA 7, ang “Makiling” na napapanood na sa Afternoon Prime.

Ibinuking kasi ng kanilang mga co-stars sa programa ang sobrang ka-sweetan nila sa isa’t isa na halos hindi raw talaga mapaghiwalay sa taping.

Sa maraming pagkakataon ay sabay na dumarating at umaalis sa taping ang magdyowa, as in super wait daw si Derrick kay Elle hanggang sa matapos ang mga eksena nito sa “Makiling”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito ang dahilan kung bakit may mga nag-iisip na nagsasama na sa isang bahay ang dalawa. Pero mariin namang itinanggi ito ni Derrick.

Baka Bet Mo: Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Ang inamin ng binata, “Minsan ay nag-i-sleepover kami sa kanya-kanya naming house.”

Kinumpirma naman ni Elle na dumaan din sa mga “test” si Derrick bago nito nakuha ang loob at tiwala ng kanyang mga magulang.

“Super po! And he had to earn it nang matagal, yung trust po ni Mommy. Yun nga po dahil only child ako. So, very protective ng nanay ko sa akin. So, slowly nililigawan niya po si Mommy, hindi na po ako,” ang chika ng aktres.

Pagkumpirma naman ni Derrick, “Unti-unti po ang pasok ng bahay. Hindi pa ako nakakalayo masyado, isang tiles, pangalawang tiles, ngayon lumalayo na ako.”

Sey uli ni Elle, “Nu’ng una, sa car lang siya, e, pag hinahatid niya ako. Hindi ko pa siya pinapakita kay Mommy, nahiya pa ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa next, hanggang sa labas ng pintunan, hanggang sa nakilala na siya ni Mommy, nakapasok na siya ng pintuan. Sumasama na rin siya sa mga family gathering namin, sa New Year, sa Christmas,” lahad ni Elle.

Samantala, napaka-smooth din daw ng working relationship ng dalawa sa “Makiling” na napapanood tuwing 4 p.m., bago mag-“Fast Talk with Boy Abunda”.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin

“Mas gamay na po namin at alam na po naming yung work ethics ng isa’t isa, and how we work together, mas gamay na po namin yun and of course, alam namin lahat sila, very commited kami sa project na ito,” ani Elle.

“Never kami nag-away!” sey ni Derrick.

Um-agree naman si Elle sa aktor, “Yun nga po yung kinatatakutan ko bilang babae, parang minsan… coming from a traumatic relationship. Minsan, iniisip ko is this too good to be true.

“Minsan hinahanapan ko siya, ‘Ano ba, nanloloko ka ba?’ E, wala, e. Wala akong nakikita, e. So, minsan, parang ayaw mo maniwala kung totoo ba to? Masyado siyang mabait ngayon!”

“Grabe yung ngayon!” natawang reaksiyon ni Derrick. “At sa future,” sey naman ni Elle.

“Yun nga! Natatakot nga ako minsan, but he always make sure na hindi siya magbabago.

“And we always make sure na parang whenever I get anxious sa relationship namin na ganito, pinag-uusapan po naming yan na parang kahit may hunch lang ako or whatever ma-feel na wala akong pangkakapitan, we could always make sure na pag-usapan and assure na…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think yun yung nagpapa-strong sa relationship naming kasi inaayos naming agad yung mali. Napapag-usapan agad,” pagbabahagi pa ni Elle Villanueva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending