Elle Villanueva sa pambu-bully: Feeling ko, inabuso na talaga ako

Elle Villanueva sa pambu-bully: Grabe! Feeling ko, inabuso na talaga ako

Ervin Santiago |January 08,2024
facebook
share this

Elle Villanueva sa pambu-bully: Grabe! Feeling ko, inabuso na talaga ako

Ervin Santiago - January 08, 2024 - 07:10 AM

Elle Villanueva sa pambu-bully: Grabe! Feeling ko, inabuso na talaga ako

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

HINDI napigilan ng Kapuso leading lady na si Elle Villanueva ang maging emosyonal sa presscon ng bago niyang serye sa GMA, ang “Makiling.”

Super cry ang dalaga habang pinanonood ang trailer ng latest TV series nila ng kanyang boyfriend na si Derrick Monasterio. Naiyak uli siya nang sagutin ang ilang tanong ng media sa presscon proper.

Gumaganap si Elle bilang si Amira sa “Makiling”, isang dalagang lumaki mula sa pamilya ng mga “manggagamot” o albularyo sa paanan ng bundok Makiling.

Masaya at tahimik ang buhay niya sa probinsya kasama ang pamilya at ang kanyang kababata at dyowang si Alex na ginagampanan ni Derrick.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngunit biglang magugulo ang lahat buhay nang matuklasan nila ang mahiwagang bulaklak na tinatawag na “Mutya.”

Paliwanag ni Elle kung bakit napaiyak siya sa pagsisimula ng mediacon, “Ang dami ko po kasing in-invest sa serye na ito. Halos araw-araw nabubugbog ako.

Baka Bet Mo: Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

“‘Yung tipong mag-i-end ang show, nandito na sa pisngi ang mata ko, nandito na sa noo ang ilong ko. Parang ganu’n ang mangyayari.

“So nu’ng makita ko ang trailer, ang ganda ng kinalabasan. I didn’t expect it to be that beautiful. Malaki talaga ang utang na loob ko sa GMA News & Public Affairs, kasi pinagkatiwalaan nila ako sa project na ito,” paliwanag ni Elle na panay ang pahid ng luha.

Ang tinutukoy ni Elle ay ang mga eksena niya sa serye kung saan binu-bully siya ng mean group sa kanilang school na binansagang “Crazy 5” na kinabibilangan nina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro at Teejay Marquez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naikuwento rin ni Elle ang isang eksena kung saan sinabunutan siya ng karakter ni Myrtle na naging totohanan nga dahil nalagasan siya ng buhok.

“Actually, after ng scene na `yun, okay lang ako. Until ipinakita sa akin `yung natanggal na buhok. Nagulat ako. Sabi ko, ‘oh my God, totoo na talaga.’

“Habang sinasaktan ako ni Myrtle, parang totoo na rin ang sigaw ko, na anong nangyayari? Feeling ko, inabuso na talaga ako ng mga tao.

“Kasi sa sobrang palagi siyang nangyayari, masyado mong ini-embody ang role, kaya akala mo totoo na talaga, napupunta na siya sa iyo.

“Eh, delikado rin kasi `yun. Pero after that, umiyak talaga ako. Kinausap ko ang mga boss, si Direk (Rado Peru), sinabi ko naman ang mga concerns ko, mga na-experience ko. And I’m so happy na nakinig sila sa akin.

Baka Bet Mo: Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick, nagpa-background check

“Sa totoo lang, mahirap magsalita kapag baguhan ka. And I really appreciate na they are really understanding, na hindi nila iisipin na pa-diva ako.

“And then, after that, pumunta sa akin si Myrtle, umiiyak din siya. Nag-iyakan na lang kami. Nag-worry ako na baka masama rin ang loob niya sa akin.

“Sabi ko, sana kahit nagkakasakitan kami, okay pa rin kami,” pahayag pa ni Elle.

Sabi naman ni Myrtle, sa halip daw na siya ang mag-comfort kay Elle ay ito pa ang nagpakalma sa kanya, dahil iyak din siya nang iyak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Makiling” ngayong hapon, January 8, 4 p.m. bago ang “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Thea Tolentino, Lotlot de Leon, Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Bernadette Allyson, Richard Quan, Mon Confiado at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending