Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick

Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick, nagpa-background check

Ervin Santiago |January 04,2024
facebook
share this

Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick, nagpa-background check

Ervin Santiago - January 04, 2024 - 08:35 AM

Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick, nagpa-background check

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

KNOWS ng Kapamilya sexy actress na si Elle Villanueva ang mga chikang kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Derrick Monasterio.

Noon pa raw ay talagang pinaghihinalaan na ang kanyang boyfriend na isang beki base na rin sa mga nababasa at naririnig niyang mga chika.

Pero ayon sa dalaga, never siyang naniwala sa mga tsismis na bading si Derrick dahil feel na feel niya na straight guy ang Kapuso hunk actor.

Sa guesting nila ni Derrick sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay lantaran na ngang napag-usapan ang tungkol dito at diretsahan nang sinagot ng binata kung straight ba siya o gay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


Ipinagdiinan ni Derrick kay Tito Boy na lalaki siya at walang bahid ng katotohanan ang matagal nang isyu about his sexuality.

“Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla, e, wala namang masama doon. Hindi naman siya nakakaasar,” sey ng binata.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Tinanong naman si Elle kung ano ang masasabi niya sa pagkuwestiyon sa pagkalalaki ng kanyang dyowa.

Aware raw ang aktres tungkol sa naturang tsismis kaya naman talagang kinilatis niya ito nang magkasama sila noon sa GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise” na umere noong 2022.

“Ang funny nga kasi naririnig ko na po ‘yan, e. So, nung first project pa lang namin iniisip ko, ‘Gay ba talaga siya?’ Kasi, ‘yun ‘yung sinasabi ng lahat.

“Then, I realized na parang lumaki lang siya sa industry na kasama puro gay. So, parang nasanay lang siya sa pananalita niya, sa actions niya na ganu’n,” paliwanag ni Elle.

Chika pa niya, may pagkakataong ipinakilala niya noon si Derrick sa kanyang nanay na isang beki para lang payagan siyang makagimik kasama ang hunk actor.

“Then, there comes a time na…only child po kasi ako so strict ang mommy ko. So, para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay Mommy, ‘Mommy, bakla siya. You don’t have to worry.’

“Sorry, Mommy, if you’re watching. Pero ngayon alam na po niya. So, nagulat na lang po siya, ‘Ay sinusundo si Elle sa Baguio. Bakla? Paano nangyari ‘yun?” natatawang chika ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


Hirit naman ni Derrick, “Kaya hindi ko alam kung ano ang ia-act ko nu’ng na-meet ko ‘yung mom niya. Dapat ba malambot? Dapat ba medyo nakaganyan (nagmuwestra na parang malambot)?”

Samantala, noong unang mag-guest sina Elle at Derrick sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay wala pang label ang kanilang relasyon. Pero ngayon ay lantaran na ito.

Ayon kay Elle, “Sa totoo lang, natatakot po kami magsabi publicly because hindi ka pa 100 percent sigurado sa nararamdaman mo, hindi ka pa ready. So para sa akin, hindi ko pa kaya sabihin.”

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin

Nagpa-background check din daw siya, “Saka may checklist ako. Lahat may check – gwapo, masunurin, mapagbigay at meron pang nadagdag kahit ‘di ko pa hinihingi.”

“Talagang pina-prioritize niya ako and sometimes I feel so selfish already, parang ako na lang lagi niyang inuuna,” aniya pa.

Sabi naman ni Derrick, mas naging maingat lang siya ngayon pagdating sa pagse-share about his personal life sa publiko.

“Before kasi parang napa-publicize na yung relationship ko tapos parang I feel iisipin ng tao na ayan na naman si Derrick.

“So parang ngayon, mararamdaman mo na sure ka na with all the decisions that you’re making. Lahat ng financial, relationship, religion, craft…check lahat e.

“Lahat doon gusto ko toward improvement and because of her yon and sabi ko, eto na ‘yung tao na ‘to,” sabi ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sina Elle at Derrick sa bago nilang GMA Afternoon Prime series na “Makiling” simula sa January 8.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending