Derrick Monasterio, Elle Villanueva ayaw munang lagyan ng label ang relasyon: ‘But we are very committed to each other’
MAGDYOWA na nga ba ang Kapuso loveteam na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva?
Ang paniwala ng kanilang fans, may “something” nang namamagitan sa pagitan nina Derrick at Elle base na rin sa mga sweet photos nila together bukod pa sa kakaibang tinginan at body language nila.
Sa guesting nila kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda”, diretsahan silang ng King of Talk, “Are you guys together? Are you officially boyfriend-girlfriend?”
Unang sumagot si Ellie, “Honestly Tito Boy maraming nagtatanong sa amin niyan, from the press people and the people around us.
View this post on Instagram
“And that doesn’t mean na magboyfriend-girlfriend kami. Pero ang masasabi ko lang Tito Boy, we are very committed to each other.
“We have the same goals with our relationship, but we don’t want to put a label on it publicly, because we want to keep our relationship private, and it’s better,” chika pa ng Kapuso actress.
Sabi naman kay Derrick, hangga’t maaari ay ayaw niyang haluan ng trabaho kung anuman ang namamagitan sa kanila ng ka-loveteam.
Baka Bet Mo: Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin
“Iba kasi Tito Boy ‘yung work. For me showbiz work lang siya. Si Elle talaga ‘yung sanity ko, ayokong haluan siya ng work kasi stressful na nga ‘yung work eh,” katwiran ng aktor.
Dagdag pang sey ni Elle, ayaw din daw kasi nilang mag-expect ang publiko, lalo na ang kanilang fans sakaling lagyan nila ni Derrick ng label ang kanilang relasyon.
Pero ipinagdiinan ni Derrick na super happy siya ngayon at mas naging inspired nang dumating sa buhay niya si Elle.
View this post on Instagram
Samantala, medyo naintriga naman ang publiko dahil sa magkaibang sagot ng rumored couple nang sumabak na sila sa “Fast Talk” segment at sagutin ang tanong kung dapat bang lagyan ng label ang isang relasyon.
Ang sagot ni Derrick “no label” habang “dapat may label” daw ang relasyon ang sabi naman ni Elle.
Hirit na tanong ng dalaga sa hunk actor, “Ano ba kasi ang meaning mo doon?” tanong ni Elle kay Derrick.
“Hindi kailangan ng label, hindi important siya for me,” tugon ni Derrick.
Sabi naman ni Elle, “Sa akin naman kasi Tito Boy, ang label, you need to talk about what your relationship is. Kasi having no label, doon nagli-lead siya to confusion. So most sa mga bata ngayon, napupunta sa no label.
“Pero lahat naman kasi puwede mong lagyan ng label eh, kung nasa relationship ba kayo, if nag-uusap lang kayo, exclusively dating, or puwede pa kayong mag-date with others. Mas okay na mas alam niyo at mayroon kayong pinag-usapan,” sey pa ng aktres.
Reaksyon uli ni Derrick, “Siyempre gusto ko po malinaw. Pero at the same time, kapag may label kasi, minsan baka ma-pressure ka to magkaroon ng label.
“Or why would you celebrate a monthsary na ganitong date eh puwede naman ganitong araw monthsary?” sabi pa ng Kapuso actor.
Kasunod nito, nilinaw naman ni Elle ang sinabi niyang “unconditional” kapag nagbigay siya ng pagmamahal sa isang tao.
“Hindi ko minamahal ‘yung isang tao kasi may ginagawa siya para sa akin. I love because I just love you. There’s no real explanation to it. I don’t expect anything from you. I just love you for who you are,” aniya pa.
At sa diretsahang tanong ni Tito Boy kay Derrick na, “Do you love Elle for who she is?” “Yes,” ang mabilis na sagot ng hunk aktor.
JM De Guzman crush na crush si Donnalyn Bartolome, hirit ng netizens: ‘Lagyan na ng label yarn!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.