Alden sa kanyang pagkalalaki: Tingin n'yo bading? Fine!

Alden sa kanyang pagkalalaki: Tingin n’yo bading? Fine! Wala na bang iba?

Ervin Santiago |January 04,2024
facebook
share this

Alden sa kanyang pagkalalaki: Tingin n’yo bading? Fine! Wala na bang iba?

Ervin Santiago - January 04, 2024 - 06:30 AM

Alden sa kanyang pagkalalaki: Tingin n'yo bading? Fine! Wala na bang iba?

Alden Richards

SAWANG-SAWA na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kasasagot sa mga tsismis na isa siyang bading.

Umay na umay na ang Kapuso Drama Prince sa mga kumukuwestiyon sa kanyang sexuality kaya ayaw na niyang patulan ang napakalumang isyung ito.

Actually, noong nagsisimula pa lamang si Alden sa GMA 7 ay naiisyu na ang kanyang pagkalalaki pero ilang beses na niyang nilinaw ito at ipinagdiinang straight siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa ito sa mga napag-usapan sa latest episode ng YouTube channel ni Toni Gonzaga na “Toni Talks”. Tanong ng TV host-actress kay Alden, “What are you tired hearing about?”

“Sa gender issue,” tugon ni Alden.

Baka Bet Mo: Coco ligwak sa teleserye nina Judy Ann, Shaina at Rayver sa ABS-CBN: ‘Ang tingin kasi talaga sa akin noon bold actor’

“Tingin n’yo ganoon? Fine. Tingin n’yo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan kapag may mga rumors, wala na bang iba?” dagdag ng Kapuso star.

Feeling namin, tuloy ang pang-iintriga sa sekswalidad ni Alden dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend. Knows n’yo naman sa showbiz, kapag wala ka pang dyowa ay paghihinalaan ka nang beki.

Sabi nga ni Toni kay Alden, “Sa showbiz, kapag lalaki tapos walang girlfriend ‘kasi ganito siya’.”

Sey naman ni Alden, kung saan sasaya ang mga taong nangnenega sa kanya, hinahayaan na lang niya ang mga ito. Pagod na pagod na raw siyang i-please ang mga tao.

“I have my life right now. I am happy. Perfectly happy with what I have, what I am able to do at the moment. I seize every opportunity,” sey pa ni Alden.

Naibalita na rin namin dito sa BANDERA ang hindi mamatay-matay na kuwento na may anak daw sila ng dati niyang ka-loveteam na si Maine Mendoza at matagal na raw silang kasal.

“Ang daming crazy rumors sa inyo. At saka ‘yung iba naniniwalang totoo ‘yung rumors, ha. Alam mo ‘yung number one, may anak kayo. At kasal kayo. Grabe ‘yun. Ang tagal nag-linger n’on. May narrative talaga,” ang sabi ni Toni kay Alden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Mayroon silang sarili nilang storytelling,” pagsang-ayon ng Kapuso superstar.

Inakala ni Alden na darating din ang tamang panahon na mawawala rin ang naturang tsismis, lalo na nu’ng magpakasal na si Maine kay Arjo Atayde.

Baka Bet Mo: Bea inakalang sobrang bata ni Dominic para dyowain: Talagang mukha lang siyang sanggol!

“Hindi nawala?” ang sundot na tanong ni Toni.

“Nandiyan pa rin. I already said my piece about this. It’s not true, wala pong katotohanan lahat.

“Wala po kaming anak. We never got married. We don’t have a love child.

“But right now po, I’m at that a point na masaya po sila doon, e. Tatanggalin ko pa ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na ‘wala nga, wag kayong makulit.’ I’m not that kind of person. I always support happiness of people,” mariing sabi ni Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending