Bea inakalang sobrang bata ni Dominic para dyowain: Talagang mukha lang siyang sanggol! | Bandera

Bea inakalang sobrang bata ni Dominic para dyowain: Talagang mukha lang siyang sanggol!

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Bea inakalang sobrang bata ni Dominic para dyowain: Talagang mukha lang siyang sanggol!

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 07:12 AM

Dominic Roque at Bea Alonzo

“TINGIN ko sa kanya lovable siya, likeable siya. He’s everywhere!’ Ito ang bahagi ng pahayag ng Kapuso actress na si Bea Alonzo patungkol sa boyfriend niyang si Dominic Roque.

Naglabas ng vlog si Bea sa Kanyang YouTube channel kung saan nakasama niya uli si Dominic at game na game na nag-share ng ilang detalye sa kanilang love story as part of their Valentine celebration.

Dito inamin ni Dominic na matagal na niyang crush si Bea na nakilala at nakausap niya nang personal sa unang pagkakataon noong 2016.

“Noong 2016, kasama ko si Vice (Ganda). Sinabi ko sa kanya na ipakilala niya ako sa ‘yo dahil crush kita. Crush lang pero wala namang expectations,” simulang pagbabahagi ng hunk actor.

Pero sabi ni Bea, feeling daw niya noon masyadong bata si Dominic para sa kanya kaya hindi niya ine-entertain ang idea na pwede niyang maging dyowa ang binta.

“Ang iniisip ko parang 7 or 8 years older ako than him so ang tingin ko sa kanya parang bagets. Talagang mukha lang talaga siyang sanggol,” pahayag ng Kapuso actress.

Sey pa ng dalaga tungkol sa first impression niya kay Dom, “Tingin ko sobrang pleasant niya and mabait. You know why? 

“Kasi he’s friends with everyone I know. Tingin ko sa kanya lovable siya, likeable siya. 

“He’s everywhere. Birthday ng iba’t iba kong kaibigan, lagi kang nandoon sa parties so inisip ko lahat kaibigan mo. And cutie pie,” ang kinikilig na chika pa ni Bea.

Naging friends naman daw sila mula nang magkakilala hanggang sa dumating ang taong 2019 at nagkasama nang matagal-tagal nang magbakasyon sila sa Japan. Inamin ni Bea na mas nakilala niya rito kung sino talaga si Dominic Roque.

“Kasi ganito ‘yung nangyari. So November, gumagawa ako ng ‘Unbreakable,’ yung movie ko with Angge (Angelica Panganiban).

“Supposedly pupunta ako sa Zambales with Marc Nicdao kasi meron siyang property doon. Last minute, nabigyan ako ng five days na break ng movie. Biglaan lang nag-book ako to Japan,” pagbabalik-tanaw ni Bea.

Dagdag pa niyang chika, “Magka-text kami ni Dom. Akala niya pupunta ako sa Zambales, so sabi niya, ‘Ano tara, Zambales?’ 

“Sabi ko, ‘Ay sorry pupunta ako sa Japan na.’ Sabi niya, ‘Sama ako.’ Tapos ako naman, ‘O tara.’ Tapos nagulat ako talagang sumama siya,” sey ng Kapuso star.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa nasabi ring vlog inamin ni Bea na siya raw ang unang humalik kay Dominic, “Inumaga kami. Hinatid niya ako sa bahay.

“Ang sakit ng paa ko noon kasi nag-heels ako buong araw tapos kinuha niya ‘yung paa ko tapos minasahe niya talaga ‘yung paa ko,” kuwento ng dalaga.

“Nakatayo na kami nu’n, tapos kiniss ko siya. Noong una pa, ‘yung kiss niya, parang nagkamali yata ako, bakit ko siya kiniss? Tapos nag-pull back ako, tapos kiniss na niya ako ng totoong kiss,” pag-amin ng award-winning actress.

Sabi naman ni Dom, siya ang unang nag-“I love you” kay Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong April, 2021 unang ibinandera ng aktres na magdyowa na sila ni Dominic at nitong nagdaang Jan. 28 naman nila ipinagdiwang ang kanilang first anniversary as couple.

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending