Kylie inatake ng dikya sa Boracay: ‘Had fever whole Christmas Day’

Kylie inatake ng dikya sa Boracay: ‘Had fever whole Christmas Day’

Pauline del Rosario - December 28, 2024 - 11:12 AM

Kylie inatake ng dikya sa Boracay: ‘Had fever whole Christmas Day’

PHOTO: Instagram/@kylieverzosa

TILA naputol ang kasiyahan ni Kylie Verzosa ‘nung Pasko habang nagbabakasyon kasama ang pamilya at non-showbiz boyfriend.

Sa Instagram Stories, makikita ang ilang pictures na nag-eenjoy silang lumangoy at mag-snorkeling sa dagat ng Boracay.

Ngunit bigla raw siyang inatake ng dikya, wika niya sa post: “So I got stung by a jellyfish and had fever whole Christmas Day.”

Bagamat hindi idinetalye ng actress-beauty queen ang kanyang kondisyon, tila tinawanan na lang niya ang insidente na kung saan ay naglagay pa siya ng “rolling on the floor laughing emoji” sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Sa hiwalay na IG post, ibinandera naman ni Verzosa ang ilan pang mga kaganapan sa kanyang Christmas vacation.

Agaw-pansin pa nga ang isang sweet photo na makikitang yakap niya sa likod ang isang lalaki na hindi makita ang mukha.

Feeling namin, ito ‘yung non-showbiz boyfriend niyang afam.

Ang caption lamang niya riyan, “Christmas day,” kalakip ang Christmas tree at heart hands emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)

Kung matatandan, taong 2016 nang iuwi ni Kylie ang titulong Miss International kung saan siya ang ikaanim na nagwagi para sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay pinasok naman niya ang mundo ng showbiz at ilan lamang sa mga pinagbidahan niyang pelikula ay ang “The Housemaid,” “Penduko,” “My Husband, My Lover,” at “Ang Panday.”

Bukod sa kanyang showbiz career, may sarili rin siyang negosyo na sinimulan niya ngayong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending