Max Collins binalikan ang kabataan sa Boracay: Growing up, it was like a virgin island…
NAGING emosyonal ang Kapuso actress na si Max Collins nang makabalik at makapagbakasyon uli sa isla ng Boracay makalipas ang mahabang panahon.
Kuwento ni Max, napakarami niyang magagandang memories sa Bora noong kabataan niya dahil ilang taon din silang nanirahan doon ng kanyang pamilya.
Aniya, bago pa naging commercialized ang Boracay, na-enjoy na niya ang isa sa mga pinakamagandang beach sa bansa na itinuturing ding best destination ng mga foreign tourists.
View this post on Instagram
Naikuwento ng aktres ang naging childhood at buhay niya noon sa karagatan ng Boracay sa ikalawang bahagi ng 4th anniversary ng “Amazing Earth” hosted by Dingdong Dantes.
Chika ni Max, “Recently nakapunta ako ulit sa Boracay dahil sa guesting ko sa Happy ToGetHer (sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz).
“It was really surreal for me kasi ‘yung place na pinag-stay-an namin, noong bata ako, lagi ko yan dinadaanan papuntang school at pauwi.
“It’s nice to see it again after so long as an adult. Everything came full circle me working back home,” aniya pa.
“Growing up, Boracay was like a virgin island. Ngayon very commercial siya. Maraming fastfood chains dati wala ‘yun,” kuwento pa niya kay Dingdong.
Nagpapasalamat din siya dahil personal niyang nasaksihan kung paano pinangangalagaan ngayon ng mga taga-Boracay ang isla at natutuwa rin siya na mas disiplinado na rin ang mga turistang nagpupunta roon.
“Ever since it was rehabilitated noong 2018, it has changed for the better.
“There are a lot of cleanups din na nangyayari sa beach kaya nakakatuwa din to see it going back to the way it was before kahit paano,” sabi pa ni Max.
Ngayong darating na July 24, mapapanood na ang ikatlong bahagi ng 4th anniversary ng “Amazing Earth” sa GMA 7 lang.
https://bandera.inquirer.net/310969/andi-nagiging-sentimental-sa-mga-pagbabagong-nangyayari-sa-buhay-ni-ellie
https://bandera.inquirer.net/305524/b-day-wish-ni-kris-ipagdasal-ang-taong-love-na-love-nila-ni-p-noy-may-message-rin-kay-ping-lacson
https://bandera.inquirer.net/309074/mike-enriquez-successful-ang-kidney-transplant-balik-trabaho-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.